^

Para Malibang

Island of the undead (107)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

BUONG tapang na ngang sumugod sina Miley sa kuta ni Reyna Coreana.

Nakasalubong nila ang dalawang tao.

“Lorenz! Blizzard??!!” Sigaw ni Miley.

Sorpresang-sorpresa dahil nakikita niya ang boyfriend ngayon bilang tao.

“Paano ka nakabalik sa itsura mo?” Tuwang-tuwang napaluha si Miley.

Nagyakap kaagad sila nang mahigpit ni Blizzard. Si Lorenz naman ay titingin-tingin lang, hindi maitago ang pagkainggit.

Hindi maitagong talaga nai-in love sa mabait at matapang na dalaga.

“Ang laki ng takot ni Reyna Coreana na hindi na maging kasingganda mo, Miley. Kaya sinunod niya ang lahat na kondisyones ni Doktor Larry. Kasama na nga doon ay gawin uli akong tao.”

“Kumusta asawa ko?” Parang zombieng nagtanong si Doktora Joanne.

“Doktora, okay naman po siya. Malaki ang respeto sa kanya ni Reyna Coreana. Malaki kasi ang pakinabang ng reyna sa galing sa cosmetic surgery ng inyong asawa.”

“Naririto na rin lang kayo, aasahan naming sasama kayo sa paglusob namin kina Reyna Coreana.” Matapang na nagdeklar si Miley.

“Lulusob? Bakit, malaki ang tiwala ninyo sa inyong mga sarili? Pero kaya n’yo ba sila? Paminsan-minsan ay nakakapagbato ng kapangyarihan si Reyna Coreana. Paano kung ang matitiyempuhan ninyo ay ang kanyang malupit na pagbato ng kapangyarihan?”

Itinaas nina Mile yang mga dala-dalang tanim.

“Ang mga tanim na ito ang tatalo sa kanila. Kapag pinisat namin malapit sa kanila siguradong mamamatay sila sa bango ng mga ito.”

Nagpisat ng ilang tanim si Miley, bumango ang buong paligid.

“Ang amoy nila dito ay napakabaho. Nahihilo sila. Bumabagsak.” Nagpatuloy sa pagpaliwanag si Miley.

“Gaano kayo kasigurado diyan? Miley, tumakas na lang tayo! Pabayaan n’yo na lang ang mga undead!”

“Hindi pwede, Blizzard? Ano ka ba, dumanas ka na ng kalupitan ng reyna, pagtakbo pa rin ang alam mong gawin?” Sita ni Miley sa nobyo.

Napahiya naman si Blizzard, tumahimik na lang.

“Para sa akin, tutal walang gaanong mawawala if we try ... then we try it! Bahala na! Magbaka-sakali na lang tayo! Para naman mailigtas natin si Doktor Larry na talagang nagsakripisyo para tayo ay makalaya.”

Natuwa si Miley sa disisyon ni Lorenz. “Salamat. Inaasahan ko naman talaga na susuportahan mo kami.” Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

DOKTOR LARRY

DOKTORA JOANNE

LORENZ

MALAKI

MILEY

PAANO

REYNA

REYNA COREANA

SI LORENZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with