^

Para Malibang

Sumama sa iba si Misis

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Junrex. Dati’y maligaya ako sa piling ng asawa ko. Nagkaroon kami ng dalawang anak. Pero naging malungkot ang karugtong ng buhay ko dahil sumama sa ibang lalaki ang aking misis. Dahil sa nangyari ay hindi na ako makapag-focus sa aking ginagawa hanggang sa nawalan ako ng trabaho. Dinala ko ang aking dalawang maliliit na anak sa probinsiya namin upang doon humanap ng bagong kapalaran. Doon ko nakilala ang aking bagong pag-ibig na 10 taon mas bata sa akin. Alam niya ang aking karanasan at hindi ito importante sa kanya. Pero ang gusto niya makasal kami. Ang balak ko magpa-convert sa Islam para puwede kaming ikasal dahil kasal ako sa una. Tatlong taon na rin kaming hiwalay ng misis ko at ang balita ko’y may anak na siya sa iba. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Junrex,

Sa tingin ko balidong ground ang marital infidelity para mapawalang bisa ang iyong kasal sa una mong asawa. Kung alam mo kung san siya makokontak makipag-ugnayan ka sa kanya dahil kakailanganin ding humarap siya sa hukuman sa sandaling iproseso ang annulment. Mas makabubuting humingi ka ng payo sa isang abogado para malaman mo ang eksaktong dapat gawin.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ALAM

ANG

ANO

DAHIL

DATI

DEAR JUNREX

DEAR VANEZZA

DINALA

JUNREX

PERO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with