Tamang paraan sa pagre-repaint ng mga dingding
Sa paglipas ng panahon, kasabay din nito ang pagkupas o pagdumi ng pintura ng dingding ng ating mga bahay. Mapa-anumang kulay pa man ‘yan ay hindi ito kaaaya-aya sa paningin lalo na sa ating mga bisita.
Narito ang tips kung magri-repaint ng mga dingding:
Punasan muna ang mga parte na lalagyan ng blue painter’s tape, ito ang mga bahagi na ayaw n’yong malagyan ng ipapahid na pintura.
Maglagay ng blue painter’s tape sa mga iiwasang parte ng pipinturahan.
Haluing mabuti ang pintura sa lalagyan bago ito gamitin, ito’y para ma-distribute ang tint at maging pantay ang kulay sa inyong pipinturahan.
Gumamit ng paint tray para hindi maging makalat ang paglalagay ng pintura.
Kung gagamit ng paint brush, siguruhing nakalublob ang dulo ng brush para pantay ang pagpinta sa dingding.
Sa paggamit naman ng roller brush, pa-zigzag ang tamang pagpipinta para pantay na mailagay ang pintura.
Sa ganitong paraan hindi n’yo na kakailanganin pa magpatawag ng pintor at kayang-kaya n’yo nang pagmukhaing bago at malinis ang inyong dingding.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest