Black Day sa Korea para sa mga single
Kakatuwa ang selebrasyon ng Araw ng mga Puso sa Korea tuwing ika-14 ng Pebrero. Alam n’yo ba na tuwing Valentine’s Day doon, babae ang nagbibigay ng tsokolate at iba pang mga regalo sa mga kalalakihan? Nakakainggit ‘di ba? Dito kasi sa Pilipinas at ibang parte ng mundo, ang karaniwang binibigyan ng tsokolate at mga regalo ay mga kababaihan lang.
Pero may tinatawag din silang White Day sa Korea. Ipinagdiriwang naman ito isang buwan pagkatapos ng Valentine’s Day (Marso 14). Sa nasabing petsa, ang mga kalalakihan naman ang magbibigay ng mas mahal na tsokolate at regalo sa mga kababaihang kanilang iniirog. Ayos ‘di ba? Tinawag itong White Day dahil sa puting kahon nakalagay ang regalong ipinamimigay. Sa ganitong paraan, hindi one-sided ang bigayan ng mga regalo.
At kung may White Day ay may Black Day din silang tinatawag. Para naman ito sa mga taong single, heart broken, mga walang kapareha, at kapalitan ng regalo. Ipinagdiriwang ito isang buwan pagkatapos ng White Day (Abril 14). Ang mga na-“outcast” sa Valentine’s at White Day ay nagtitipun-tipon sa Black Day para kumain ng Jjangmyeon, isang uri ng noodles na kulay itim ang sauce. Hindi ito sikat na okasyon tulad ng Valentine’s at White Day, pero ipinagdiriwang pa rin ito ng ilan.
- Latest