^

Para Malibang

Island of the undead (100)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TAKANG-TAKA si Miley, paanong nangyari na ang mga malulupit na mga undead soldiers ay nagsipagtakbuhan?

“Nag-experiment lang ako, Miley. Itong tanim na ito na nasa ilalim ng dagat pero kayang-kayang abutin dahil mababaw lang naman, napisa ko kasi nang hindi sinasadya ang matabang dahon. Nabanguhan ako. Iyung nakalapit na sa aking undead soldier, nakita ko, masuka-suka. Ayaw pala nila ng mabango!Para sa kanila ay mabaho ‘yon!”

“Nang nakita namin ang nangyari, gumaya kami kay Dok, pumisa rin kami ng mga matatabang dahon! Hayun, takbuhan silang lahat!”

“Iyon lang pala ang panlaban sa kanila? Mula  sa nature ... ‘yung mabango!”

“Miley, nasaan na sina Lorenz at Blizzard?”

“Mga bihag sila ni Reyna Coreana. Papatayin daw ‘yung dalawa kapag hindi kayo sumama sa akin ni Doktora Joanne. At gawin uli ‘yung mukha niya. Ang pangit-pangit na naman niya, Dok. Nalusaw na nga ‘yung ginawa ninyo!”

“Hindi bale. Babalik tayo doon na dala ang mga mababa­ngong halaman! Para magtakbuhan sila! I’m sure na pati si Reyna Coreana ay ayaw din nang mabango!”

“Sa mga nakaimbak ngang mga gamit niya sa bodega, parang wala tayong napansin na pabango. Tama ba ako?”

“Hindi, Miley. Meron. Gumagamit siya ng mga pabango. Pero ang kinatatakutan lang ng mga sundalo niya ay ‘yung nature. Gawa ng Diyos. Likas. Palatandaang mga alagad nga sila ng demonyo.”

“Kung gano’n, ngayon din ay mamitas tayo ng mga mababangong tanim sa ilalim ng dagat. Mababaw lang naman, kayang­-kaya nating gawin.”

“Nakapamitas na kami, Miley! Pero konti lang! Wala na kasi! Hindi sagana sa mga ganitong tanim ang karagatan.” Nagsalita ang tao ni Lorenz.

“What? Bitin tayo sa ating mga sandata?”

“Siguradong may mga lugar dito na sagana ang mga ganoong tanim, Miley. It’s just a matter of paghahanap nang buong tiyaga.”

“Kailangang magtiyaga tayo. Walang magrereklamo. Malapit na tayong makalaya. Pasasaan ba.”

“Puntahan natin ang lahat na direksiyon ng karagatan. Ang mga magagaling lumangoy, pumailalim at maghanap. Ang mga hindi marunong lumangoy, sa mga pampang, sa mga mabababaw na bahagi, doon maghanap.”

“Pero paano na sina Lorenz at Blizzard. Dok, kapag hindi ka nakabalik doon, siguradong papatayin na sila ni Reyna Coreana!   -ITUTULOY

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYAW

DOK

DOKTORA JOANNE

HINDI

LORENZ

MGA

MILEY

PERO

REYNA COREANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with