^

Para Malibang

Island of the undead (98)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ANG LAKAS ng tili ni Miley. “I can’t believe she is doing this! Nahati na ang katawan pero buhay pa rin siya! Hindi nga siya namamatay!”

“Then let’s go! Tumakas na tayo, Miley, Blizzard!” Nakalabas na si Lorenz sabay hila kay Miley.

Sumunod naman si Blizzard.

Medyo nakalayo na sila nang magkatapatan ang nahating katawan ni Reyna Coreana. At nagdikit. Parang namadyik na naman.

“Akala ninyo makakatakas kayo, ha? Walang makakaligtas!” At kaybilis humabol ng reyna ng mga undead.

Agad nahawakan sa leeg ang asong si Blizzard.

“Blizzard!” Napasigaw si Miley.

Ngumisi si Reyna Coreana. “Alam mo, Miley ... hindi muna kita papatayin. Hostage ko ‘tong asong ‘to. Puntahan mo ang dalawang doctor na kasamahan mo. Sabihin mo sa kanila, kapag hindi sila pumunta dito at ayusin ang itsura ko... patay ‘tong si Blizzard! Sige, Miley! Magmakaawa ka sa dalawang doctor, ha? Mahal mo rin naman itong si Blizzard. Kahit magaan din ang loob mo kay Lorenz!”

“Huwag mong saktan si Blizzard, Reyna!”

“Kung susunod ka sa akin, bubuhayin ko pa ito. Pwede mo pang gawing pet itong nobyo mo! Amazing, ‘di ba?”

“Bitiwan mo na siya at pupuntahan na namin ang dalawang doctor para ipaalam ang gusto mo.”

“Hindi ako gaga, tanga! Kaliwaan. Pagdating dito ng dalawang doctor, saka mo lang makukuha ang asong ito!”

Nakatitig si Blizzard sa mga mata ni Miley, may mensaheng inihahatid.

Miley, pabayaan mo na ako. Basta makatakas ka lang. At wala nang iba pang taong manganganib kay Reyna Coreana. Huwag mo nang ipambayad sa akin sina Doctor Larry at Doktora Joanne. Tumakbo na kayo ni Lorenz. Okay si Lorenz. Mabait siya at matapang. Bagay kayo.

Pero hindi iyon maaring sundin ni Miley.

Mahal na mahal niya ang nobyo.

Hindi niya maaring pabayaang mawala ito.

“Huwag mong sasaktan si Blizzard. Pupuntahan ko ang dalawang doctor at pakikiusapang bumalik dito. Pero oras na may nangyari kay Blizzard ... I swear, wawasakin ko ang mukha ko at saka ako magpapakamatay. Para wala nang makopyahan si Doktor Larry na kapalit ng pangit mong mukha! Malinaw?”  Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

BLIZZARD

DOCTOR LARRY

DOKTOR LARRY

DOKTORA JOANNE

HUWAG

LORENZ

MILEY

PERO

REYNA COREANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with