^

Para Malibang

Island of the undead (96)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ISA na ngang ganap na aso si Blizzard. Hindi na siya taong aso. Pero kaiba siya sa karaniwang aso dahil matangkad siya, halos kasing-tangkad din ng tao.

Galit na galit si Miley. “Hayup kang reyna kaaa! Lalabanan kitaaa!”

Nakahawak ng mahabang bakal si Miley. At kahit hindi bayolenteng tao, nakalimot siya.

Hinataw niya sa  baywang si Reyna Coreana.

Kagimbal-gimbal ang nangyari dahil sa sobrang lakas ng paghataw ni Miley ay naputol ang katawan ng reyna ng mga undead.

Bumagsak ang dalawang bahagi sa sahig na lupa.

Wala nang galaw at imik si Reyna Coreana. Patay na ito kung titingnan.

Na-guilty si Miley nang sobra. Hindi pa siya nakapatay. Kahit nga ipis ay hindi niya mapisat-pisat. Binubugaw lang niya ito kapag nakita niyang gumagapang sa kanilang bahay.

“Hindi ko sinasadya! Wala naman akong planong patayin siya! Kung hindi lang sana niya ginawang ganap na aso si Blizzard, hindi ko siya hahatawin nang ganoon.” Umiiyak na si Miley.

Si Lorenz ay nakabawi na, nasa tamang huwisyo na, hindi na lasing.

“Miley, huwag mong pagsisihan ang nangyari. Kung hindi mo siya hinataw tiyak na ikaw ang wala nang buhay ngayon. Chance na natin ito para tumakas. Hindi lang ikaw o ako o si Blizzard. Lahat na taong na-trap sa islang ito ay makakabalik na sa kanilang mga tahanan.”

“Pero, Lorenz ... kahit ganyan ang reynang ‘yan, kasalanan pa rin ang mapatay siya, hindi ba?”

Inabot ng military young man ang mga kamay ng luhaang dalaga. “Hindi mo sinadya. At kampon siya ng demonyo. Miley, humanap ka na ng kahit anong pwedeng magamit diyan para mabuksan natin ang kulungan ko. Bago maalerto ang mga kawal na undead, kailangan nasa laot na tayo! Tayong lahat!”

 “Pati ang boyfriend kong si Blizzard? Lorenz, huwag na huwag nating iiwan si Blizzard. Kahit ganyan na ang itsura niyan, love ko pa rin!”

Umungol si Blizzard, nainis. “ GRRRLLLL ...”

Si Miley naman ay muling dinampot ang mahabang bakal na pinanghampas kay Reyna Coreana at dinala sa pinto ng kulungan ni Blizzard.

“Nakakandado ito, Lorenz. Hahatawin ko nang hahatawin hanggang sa bumigay. Layo ka muna!”

Calculated ang paghataw ni Miley. Iyung hindi naman tatamaan sila ni Lorenz. Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

BLIZZARD

HINDI

KAHIT

LORENZ

MILEY

PERO

REYNA COREANA

SI LORENZ

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with