^

Para Malibang

Island of the undead (95)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PAGHARAP ni Miley, si Reyna Coreana nga ang mana­nakal sa kanya.

“Dapat ka nang mawala! Para kapag ibinalik ni Doktor Larry ang mukha ko, ako na ang orihinal! Hindi ikaw!”

Naunahan si Miley, hindi rin niya akalain na ganoon pala kalakas si Reyna Coreana.

Si Lorenz ay kitang-kita na ang nagbabantang kamatayan kay Miley. “Tigilan mo na siya, Reyna Coreana! Wala siyang kalaban-laban!”

“Hindi! Dapat matagal ko na itong pinatay, e! Alam kong may gusto ka sa kanya, Lorenz! Pero hindi ako papayag dahil sa akin ka! Kapag nawala na ang Miley na ito at naging akin uli ang mukha niya, wala kang magagawa kundi mahalin na rin ako!”

Hindi na makahinga si Miley, bumabaon na ang mga butu­hing daliri ni Reyna Coreana sa kanyang leeg.

Si Lorenz naman ay hindi makatulong. Kahit anong gawin niyang pag-abot sa dalawang babae ay hindi niya makaya. Hindi marating ng kanyang mga kamay ang kinatatayuan nina Miley at Reyna Coreana.

Nagpa-panic na si Lorenz. “Miley!Lumaban ka! Huwag mong hayaang basta na lang niya kukunin ang buhay mo!”

Pero para nang puputok ang puso ni Miley dahil walang hanging pumapasok sa kanya, napakahigpit na ang sakal sa kanya ng reyna ng mga undead.

Nang bigla na lamang may sumagpang sa mga butuhing braso ni Reyna Coreana.

Si Blizzard. At ayaw bitiwan ang kanang braso ng reyna, halos madurog na ang mga buto sa braso ni Reyna Coreana.

“Aaaaahhhh! Hayup kang taong aso kaaaa! Bitiwan mo akoooo!”

Pero lalong diniinan ni Blizzard ang pagkagat sa butuhing braso ng reyna.

Hanggang sa napilitang bitiwan ni Reyna Coreana ang leeg ni Miley.

Inubo si Miley pero nakalanghap na muli ng hangin.

“Tarantado kang taong aso ka! Heto ang sa ‘yo!” Kumumpas si Reyna Coreana, may ibinatong puwersa kay Blizzard.

Sa isang iglap ay tuluyan nang naging aso si Blizzard. Wala na itong kabahagi na tao.

Napatili si Miley. “Noooooo!”

Nginisihan ni Reyna Coreana sa Miley. “Yes. Yes na yes. Ginawa ko nang pure dog ang syota mo, Miley. Parusa ko sa ‘yo ‘yan dahil hindi ka na nakuntento kay Blizzard, gusto mo ring mapasaiyo si Lorenz!”  Itutuloy

ACIRC

ANG

COREANA

DAPAT

HINDI

LORENZ

MILEY

PERO

REYNA

REYNA COREANA

SI LORENZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with