^

Para Malibang

Ano ang signs na ikaw ay dumaranas ng depresyon?

Pang-masa

Ang depression ay isang karamdaman sa isipan, naapektuhan hindi lang ang katawan kundi maging ang kalooban.  Isa sa  sign nito ay kung ikaw ay hirap makatulog. Karaniwan na sa depress na tao ay hirap o sobra kung matulog. 

Huwag din ipangwalang bahala ang pananakit ng dibdib, hindi lang ito sign ng ikaw ay may sakit sa puso, baga, tiyan. Pero maaari rin itong sintomas na ikaw ay depress. Ang madalas na inaatake sa puso ay resulta rin na ang indibiduwal ay nakararanas ng sobrang depresyon.

Maging ang nararamdaman mong pagod ay pagpapakita na ikaw ay depress, kahit mahaba naman ang tulog, pero pakiramdam mo pa rin ikaw ay napapagod sa walan namang kadahilanan.

Nangangalay ba ang leeg mo o masakit ang iyong ulo, batok, at likod? Ang  depression ay lumalabas sa nararamdaman mong  sakit. Ang depression at pain kasi ay dalawang chemical na sinasabi ng iyong utak na iyong nararamdaman sa iyong kasukasuan. Tatlong beses ang sakit ng katawan, muscles, o kasukasuan na nararamdaman ng taong depress at limang beses naman ikaw kung makaranas ng migraine.

Exercise ang isa sa mabisang panglunas ng depression, kumain ng masustansiyang pagkain, magbawas ng stress, at kakailanganin mo ang social o group support na aalalay sa iyo. Higit sa lahat manalangin at ibigay ang mga nagpapabigat sa iyong kalooban.

vuukle comment

ANG

HIGIT

HUWAG

IKAW

ISA

IYONG

KARANIWAN

NANGANGALAY

NBSP

PERO

TATLONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with