Para maging tapat ang kasintahan
Kailangan: Fresh buko juice, basong kristal, malinis na pulang tela
Paraan:
1-Gawin sa Friday ang spell o kaya ay sa 10th day pagkatapos ng New Moon. Ang wastong pagbilang ay mag-uumpisa ang bilang sa new moon as day one. Maghukay sa inyong garden. Ang hukay ay sapat upang maibaon ang isang baso.
2-Bumili ng fresh buko. Isalin sa isang basong crystal. Dapat ay willing kang basagin ito. Ikaw na nagsasagawa ng spell ang unang iinom ng buko, mga 3 lagok lang. Pagkatapos ay painumin din ng 3 lagok ang iyong kasintahan.
3-Ibalot sa red cloth ang basong may natirang buko. Be careful na hindi tumapon ang laman habang ibinabalot ito sa tela. Ilagay sa hukay. Basagin ang baso gamit ang martilyo o bato.
4-Tumayo sa tabi ng hukay at humarap sa Southwest. Habang nakaharap sa Southwest ay bigkasin ang mga sumusunod na affirmation:
“(Pangalan ng kasintahan) sa harap ng kapangyarihan ng pag-ibig, hinihiling kong magtatagal ang ating relasyon”.
Bigkasin ito ng 9 na beses. Tabunan ng lupa ang hukay na kinaroroonan ng basong basag.
- Latest