^

Para Malibang

Island of the undead (90)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SINA MILEY, Doctor Larry and Doktora Joanne ay nagsipaghanda rin sa laban. May nahingi silang mga sibat.    

Pero si Blizzard na isang taong aso, ayaw kumilos.

“Blizzard, ano’ng plano mo? Kakagatin mo na lang ba ang mga undead? Anyway taong aso ka naman. Pero baka mahawa ka ng kamandag o virus o something ... baka matulad ka pa nila. Huwag ka nang makipaglaban. Tumabi ka na lang sa akin, Blizzard. Para maprotektahan kita. O kaya, magpaiwan ka na dito sa kampo. Bantayan mo na lang ang lugar na ito.”

Nagalit si Blizzard. Ang kapal ng tahol.

“Oo na, kung ayaw mo, okay lang. Sumama ka na lang pero huwag kang lumayo sa akin. Hindi ko mapapatawad kapag nasaktan ka.”

Nakabawas sa sama ng loob ni Blizzard ang sinabi ni Miley. Hindi na siya tumahol, dumikit na lang sa pinakamamahal na nobya.

SI LORENZ naman ay dinudulutan ni “Reyna Miley” ng lahat na masasarap na imported na de lata. Nagutom bigla ang military man, sabik siya sa corned beef, sardinas, fruit cocktail, sausages at iba pa.

“Gusto mo ‘to, ‘no?”

Nanlaki ang mga mata ni Lorenz. “Beer?”

“Yes. Bubuksan ko na. Magbubukas din ako ng para sa akin. And then inuman tayo.”

Miss na rin ni Lorenz ang beer, normal na lalaki siya. Sino ba naman ang ayaw ng beer? Lalo na kung ang kasama niya sa inuman ay napakagandang reyna na hindi pa man naging reyna ay crush na niya?

ANG plano nina Miley at mga taong nasasakupan ni Blizzard ay katanghaliang tapat lulusob.

“Tama ito, Mang Gerry. Kasi talagang nanghihina ang mga undead kapag nakabilad sila sa napakainit na araw. Mas malakas sila kapag dumidilim.” Sabi ni Miley sa may-edad na kakampi.

“Miley, sana nga buhay pa si Lorenz. Alam mo na naman si Reyna Coreana. Napaka-unpredictable. Ikaw nga, bigla na lang niyang gustong ipapatay.” Iiling-iling si Doctor Larry.

“Nararamdaman ko hong buhay pa siya. Baka nga lang inaalila siya ngayon ni Reyna Coreana. O kaya tinu-torture. Pilit pinapa-confess kung nasaan ang kampo nina Lorenz. Saka pati tayo, kung saan nakikitago.”

Ang isang beer ay nasundan pa ng isa. At isa pa. At may isa pa. Hanggang sa nalasing na si Lorenz na kasama ang kainumang si “Reyna Miley.” May malisya na ngiti ang pekeng Miley. Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

DOCTOR LARRY

DOCTOR LARRY AND DOKTORA JOANNE

LANG

LORENZ

MANG GERRY

MILEY

PERO

REYNA COREANA

REYNA MILEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with