^

Para Malibang

Island of the undead (88)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI na nga maalis-alis ni Reyna Coreana ang mga mata sa mukha ni Lorenz.

Napansin din niyang hindi lamang guwapo, ang katawan at tangkad ng lalaking walang malay ngayon ay kahanga-hanga rin. Puro ito muscles, ang t-shirt at maong na pantalon ay humahakab sa dibdib, braso, balikat, tiyan at mga hita at binti.

Napabuntong-hininga pa ang reyna ng mga undead. Na gamit ang mukha ng napakagandang si Miley.

“Siya ang lalaking bagay na bagay sa kagandahan ko ngayon.” At hinaplos ni Reyna Coreana ang mukha ni Lorenz.

Kaya nagising si Lorenz, umungol ito.

“Uuunnnggg ... n-nasaan ako?”

“Nasa aking kaharian. Maligayang pagdating, istrangherong kaykisig.” Kulang na lamang ay kiligin si Reyna Coreana.

Natigilan naman si Lorenz sa mukhang kanyang nakikita. Nagulat at nagtaka siya.

“M-Miley?...”

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Reyna Coreana.

Nag-curtsy pa.

“Ang iyong bagong kaibigan. Na wala pang asawa. At wala ring boyfriend. At maraming nanliligaw sa akin pero ayoko lang sa kanila.” Nag-blush ang reyna ng mga undead.

Napabangon at napatayo si Lorenz. “Miley! Ano’ng nangyari? The last time I remember, may tatamang dalawang sibat sa ‘yo. Ang isa, nakita kong sinagpang ni Blizzard. Ang pangalawa, dahil huli na para mahawakan ko, iniharang ko na lang ang aking katawan. Sa­lamat at ligtas ka, Miley! Hindi nasayang ang efforts namin ni Blizzard.”

Napangisi si Reyna Coreana. Alam nang hindi kumpleto at eksakto ang memory ni Lorenz. Pabor sa kanya ito.

“Oo, ikaw pala ang isang nagligtas sa akin. Napakagaling mo naman ... teka ... sorry, ha ... hindi ako sigurado sa pangalan mo ... ano nga ‘yon?”

Kaswal lang na sumagot si Lorenz. “Miley, para ka nang senior, a. Ako si Lorenz, lagi na tayong nagkuwentuhan sa gubat, paano mo naman akong nakalimutan? Saka ... teka ... bakit may suot kang korona? At saka ang damit mo, ibang-iba. Nakapantalon at nakamaong ka lang naman kanina habang nasa gubat tayo, ‘di ba?”

Ngumisi ang reyna ng mga undead. “Matagal ka rin kasing nawalan ng malay. Marami na ang nangyari. Ngayon nga ay ako na, si Reyna Miley ... patay na si Reyna Coreana.”

Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

ANO

COREANA

ITUTULOY

LORENZ

MILEY

REYNA

REYNA COREANA

REYNA MILEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with