^

Para Malibang

Island of the undead (83)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA LABAS ng gubat, sa lugar nina Reyna Coreana na ngayon ay kahawig na kahawig na ni Miley, inis na ang reyna ng mga undead.

“Pagabi na, a! Bakit wala pa ang mga tao at taong aso?” Tanong nito sa kanang kamay.

Hindi naman umiimik ang kanang-kamay, parang tulalang nakatingin pa rin sa kanilang reyna.

“Hoy! Nasapian ka ba, ha? Bakit wala kang reaksiyon?”

Saka parang natauhan ang kanang-kamay. “Reyna ... kasi ganda-ganda!” At nagsalita na ito ng sarili nilang salita, na puro sobrang paghanga.

“KKKRRRNAYHHHT .... SUNGKURRRUWUUTTTT ...”

Si Reyna Coreana ay napangiti, ang haba-haba ng buhok dahil sa flattery ng kanyang mga tauhan.

Pati nga naman ang iba pa niyang mga sundalo ay natulala sa kanyang kagandahan ngayon.

“Oo, alam kong hindi ito original. Na ang original ay naroroon  sa loob ng gubat, hindi pa umuuwi! Pero para sa akin, mas maganda pa ako sa totoong si Miley!”

Biglang natigilan ang reyna. “Teka nga ... parang mali, e. Hindi ko solo at hindi buo ang paghanga sa aking beauty kapag nandidiyan lang si Miley. Ang tingin sa akin, duplikado lang.”

Tanguan naman ang mga sundalo. Nag-uusap uli gamit ang napakapangit nilang salita.

“DDDGGGGRRRRSSSST .... MMMMYYYYAAAAAKKKKRRRRT...”

“Kung ganoon, dapat isa lang ang mananatiling buhay. Ako lang! Para hindi na ako tatawaging duplikado kundi ang ... the one and only in this kind of supreme beauty!”

Tanguan na naman ang mga  sundalong isinumpa. Ngi­sing-ngisi.

“Ikaw ... kayong lahat, pagdating nila mula sa gubat ... ang unang-una ninyong gagawin ay ... patayin si Miley! Sibatin n’yo siya, tagain, pagputul-putulin ng pinong-pino para tiyak ang kanyang kamatayan! Hindi na siya mabubuhay ni Dok Larry tulad ng pagbuhay nito sa kanyang asawang si Doktora Joanne! Maliwanag?”

Tanguan ang mga sundalo.

Sa lugar nina Lorenz, naghahanap pa rin sila sa taong aso na si Blizzard.

Iyak na nang iyak si Miley. “Blizzaaard! Magpakita ka na! Nasaan ka na ba? Hindi kami aalis dito nang hindi ka kasama!” Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKIT

DOK LARRY

DOKTORA JOANNE

HINDI

MGA

MILEY

REYNA COREANA

SI REYNA COREANA

TANGUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with