Palatandaan na ikaw ay ‘dehydrated’
Hindi natin nahahalata kaagad kung kulang sa tubig ang ating katawan. Minsan kasi, kahit dehydrated ka na, hindi ka pa rin nakakaramdam ng uhaw. Narito ang mga palatandaan na kailangan ng iyong katawan ang maraming likido: tubig, katas ng prutas, o sabaw ng karne/seafood:
1-Bad breath: Kung sapat ang tubig sa katawan, ang bibig ay tuluy-tuloy na magpo-produce ng laway. Ang resulta ng tuyong bibig ay pagbaho ng hininga.
2-Nanunuyong balat at nahihilo: Nanunuyo ang balat dahil walang sapat na dugong dumadaloy sa mga ugat. Ang resulta ay pagkahilo.
3-Pinupulikat: Kung kulang sa tubig ang katawan, nagkakaroon ng low blood supply ang mga ugat na nagiging dahilan ng pulikat sa binti o iba pang kalamnan.
4-Nananabik sa matatamis na pagkain: Kung tutuusin, nananabik sa lahat ng pagkain pero mas malakas ang kaway ng matatamis na pagkain. Kapag kulang sa tubig, ang liver natin ay nahihirapang mag-produce ng glycogen. Ang epekto ng sitwasyon ay pagkasabik na kumain lalo na ng matamis. Ngunit ang bilin ng doktor, sa halip na candies o iba pang pagkain na gawa sa maraming asukal, prutas na lang ang kainin.
5-Masakit ang ulo: Kaya huwag kaagad iinom ng gamot kapag masakit ang ulo. Uminom muna ng maraming tubig.
- Latest