^

Para Malibang

Nilagyan ng tattoo sa tiyan

LIHIM NG PANAGINIP - Starchild - Pang-masa

Panaginip: Maganda ang naging relasyon ko sa aking mga magulang kaya hindi ko maintindihan kung bakit napanaginipan ko ito ng tatlong beses. Isa hanggang tatlong buwan ang pagitan. Magkakaiba ang eksena ngunit ang tema ay lagi akong sinasaktan ng aking ama. Halimbawa, isinulat niya ang kanyang pangalan sa aking tiyan sa pamamagitan ng tattoo. Kahit tumututol ako dahil masakit, itinuloy pa rin niya ang pagta-tattoo. Sa ikalawang panaginip: Ikinulong niya ako sa madi­lim at mabahong toilet. Pangatlo, bumalik ako sa pagkabata, pinapalo niya ako ng sinturon sa harap ng aking mga kalaro. I’m 30 now, single. – Librada

Interpretation: Trenta anyos ka na pero kung ituring ka ng iyong ama ay parang bata. May panahong para ka niyang pag-aari na hindi puwedeng magdesisyon para sa iyong sarili. Napapansin mo pero pilit mong iwinawaksi sa iyong isipan na masyado ka nang nasasakal sa pagiging dominante ng iyong ama. Ang sakit na nadama mo sa tattoo na inilagay sa iyong tiyan ay nagpapahayag na napupuno ka na at hindi mo na masikmura ang pinaggagawa ng iyong ama sa iyo.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

HALIMBAWA

IKINULONG

ISA

IYONG

KAHIT

LIBRADA

MAGANDA

MAGKAKAIBA

NAPAPANSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with