Dapat isuot para maging ‘attractive’
Ayon sa pag-aaral at survey ng mga siyentipiko mula sa iba’t ibang unibersidad sa mundo, may 5 bagay na dapat isuot ang mga babae para maging kapansin-pansin sa mga lalaki :
Sandalyas o sapatos na may mataas na takong – Nagiging sexy at kaakit-akit ang babae sa mata ng kalalakihan kapag mukha siyang matangkad. At ang “tangkad” ay nakatutulong para magmukhang slim ang babae.
Itim na bestida – Nagmumukhang seksi, may kumpiyansa sa sarili, at ismarte ang babaeng nakabestidang itim.
Damit na nagpapakita ng braso at balikat – Akala lang ng marami ay sa puwet at sa malaking boobs lang naaakit ang mga lalaki. Tinitingnan din nila ang magandang hugis ng braso at balikat.
Damit na magpapakita ng magandang hugis ng katawan – Kung seksi, ipagmalaki! Para makita ang mala-hour glass na katawan, magsuot ng tinatawag na bodycon dresses, ito ang damit na kumakapit sa katawan.
Pulang damit – Ang pulang damit ay lalong nagpapatingkad ng sex appeal ng babae, ayon sa artikulong inilathala sa Journal of Personality and Social Psychology.
- Latest