^

Para Malibang

Island of the undead (75)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NATURAL, hindi magpapauto si Miley kahit pa takot din naman kapag nagagalit ang malupit na reynang kahawig na niya.

“Sementadong bungalow? You must be kidding! Saan kami kukuha ng sementong panghalo? Mamadyikin ninyo? I doubt kung kaya ninyong madyikin ‘yon!”

Nag-isip ang reyna. “Minimenos mo ako . Palagay ko kaya kong mag-magic ng sementong panghalo para hindi na kayo makapagreklamo! Gagawin n’yo na lang ang order kong bahay!”

At kumumpas-kumpas ang reyna. Bumulung-bulong. Ipinikit pa ang mga mata.

Saka ibinuka ang mga braso at kamay. “Sementolalalala!”

Walang nangyari. Tahimik ang lahat na naghihintay. Hanggang sa naubo ang reyna, halatang napahiya.

Ang mga bihag na tao naman na ang isa ay asong tao na, gustong matuwa. Dahil palalo ang reyna at ito naman pala semento lang hindi pa kayang madyikin.

“You see, Reyna na hindi ko mahal, hindi ka Diyos. Marami kang hindi nagagawa kahit pa may kapangyarihan kang galing sa demonyo. Kaya sana magpakabuti ka kahit minsan man lang.”

“Paano?” Kunot-noong tanong ng reyna.

“Eh, de pakawalan mo na kami. Hayaan mong tawirin namin ang dagat para makarating kami sa aming lugar. Tutal, maganda ka na. Nanakaw mo na ang itsura ko. Aanhin mo pa ba kami? Hindi mo naman kami pwedeeng kainin kasi nga di ba, may AIDS kami ni Blizzard?”

“Ayokong mawalan ng mga taong alipin ko!” Sigaw ng reyna.

“Paano nga ‘yan, kahit pa patayin mo ang mga alipin mo, hindi pa rin namin magagawa ang bungalow na sementado dahil nga walang semento dito. Huwag mong hilingin ang imposible mahal na reyna. Dahil masasayang lang ang kahilingan. Wala namang mangyayari.” Pormal nang nagsalita si Doktor Larry.

“Bakit dalawa ang Miley, Larry?” Takang tanong ni Doktora Joanne.

Unti-unti nang dumadaloy nang normal hanggang sa kanyang utak ang dugo kaya unti-unti na ring nagbabalik ang normal na pag-iisip.

Ang nabuhay na patay ay magiging dating doktorang magaling, matalino at mabait.

“Hon, pinakopya sa akin ng reyna ang mukha ni Miley. Kung hindi ko siya susundin, papatayin niya tayo. Pero ang hindi niya alam dahil hindi ko sinabi, maaagnas din naman siyang muli.” Mahinahong nagpaliwanag ang doctor sa asawa. Itutuloy

vuukle comment

AANHIN

ACIRC

ANG

AYOKONG

DAHIL

DOKTOR LARRY

DOKTORA JOANNE

HINDI

MILEY

PAANO

REYNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with