^

Para Malibang

Kayabangan bawas pogi points

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Ray, 21 yrs. old at isang Law student. Gusto ko lang itanong kung talaga bang may mga taong born loser? Feeling ko kasi isa ako dun dahil tuwing may nililigawan ako basted agad ako. Para bang mailap sa akin ang mga babae. Minsan pa lang ako nagka-girlfriend pero hindi nagtagal. One week lang ay bigla na lang nakipag-break sa akin at hindi ko alam ang dahilan. Hindi naman ako pangit pero parang laging paiwas sa akin ang mga chicks. Nahihiya tuloy ako sa mga kabarkada kong lalaki dahil ako lang ang walang syota sa kanila. Sabi naman ng kapatid ko mayabang daw ako. Sana’y mabigyan ninyo ako ng advise.

Dear Ray,

Ang sobrang kayabangan ay nakakabawas sa kagandahan ng isang tao. Kahit guwapo at matalino ang isang lalaki kung masyadong maporma o epal, nati-turn off ang mga girls. May mga hindi kaguwapuhan pero lumalakas ang appeal dahil naman sa sense of humor at mahusay na pakikisama. Mabuting tanungin mo rin ang mga close friends mo at baka may ugali kang kinaiinisan. Kung minsa’y hindi natin nakikita ang mga positive at negative traits natin at kadalasan ibang tao pa ang nakakapuna nito. Pero natitiyak ko na may magaganda kang katangian na hindi lang nadidiskubre ng mga girls kaya ‘wag kang malungkot. Hindi pa lang marahil dumarating ang tamang babae para sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

ANG

DEAR RAY

DEAR VANEZZA

HINDI

KAHIT

LANG

MABUTING

MGA

MINSAN

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with