^

Para Malibang

Island of the undead (70)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NANG muli ngang magkamalay si Miley ay naging histerikal siyang muli. “Wala sabi kayong permiso na gayahin ang aking mukha at katawan!

“Hindi ako titigil ng kasusumbong sa Diyos hangga’t di Niya inaaksiyunan ang reklamo ko!”

Sigaw ito  ni Miley kay Reyna Coreana.

Wala nang pagsidlan ang poot niya sa super-abusadong reyna ng Island of the Undead.

Cool ang acting ng reyna pero hindi maikubli ang nagbabagang suklam sa mga taong kaharap.

“Ikaw, Doctor Larry, sa isyung ito, ano ang iyong honest opinion?”

Nananantiya ang  dalubhasang plastic surgeon.

Isang maling sagot ay manganganib silang lahat.

“C’mon, Doc Larry, huwag kang parang bakla diyan. Ilahad mo ang tapat mong opinyon!”

Napalunok ang siruhano, nakipag-eye-to-eye sa original Miley at nobyo nitong si Blizzard na isa na ngang taong aso.

He is acrually asking for advise.

“Dok, sabihin mo ang inaakala mong dapat. This is still a free country, di ba ho?” sabi ni Miley.

Si Blizzard ay sagot-aso. “AW-AWW!”

“Iisipin ko na lang na Yes ang sagot mo, Blizzard. Sumasang-ayon ka sa sinabi ni Miley!”

Lumakas ang loob ni Dok Larry. “Ikinalulungkot kong sabihin na umabuso ka nga sa kapangyarihan mo, reyna!

“At hindi lang ngayon kungdi noon pa! Mulang sapilitan mo kaming ipinakuha sa mga ulul mong tauhan, mula sa tahimik naming buhay ni Joanne sa piling ng maliliit pa naming anak!”

“Tama na! Tama naaa!” sigaw ni Reyna Coreana.

“The truth hurts, ha, reyna?” madiing sabi ng duktor, punong-puno ng sarcasm ang tinig.

“TAMA NA SABIII!”

Tumahimik si Doktor Larry. Ang importante para sa kanya, nasabi na ang dapat sabihin.  (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

DOC LARRY

DOCTOR LARRY

DOK LARRY

DOKTOR LARRY

ISLAND OF THE UNDEAD

MILEY

NBSP

REYNA COREANA

SI BLIZZARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with