^

Para Malibang

Island of the undead (68)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

MATINDI ang paghahangad ni Miley na itanong ang bagay na lumiligalig sa kanyang isipan.

“Doktor Larry, kailangan ko pong  malaman kung...” Saglit na nagbantulot, nag-alinlangan si Miley.

Nag-alala siyang baka lumitaw na in bad taste ang itatanong; baka maka-offend sa mag-asawang surgeons.

“Go on, Miley... ano ang tanong mo?”

Maging ang doktorang awhile ago ay dating bangkay ay naghihintay sa sasabihin ng dalaga.

Nagbalik ang courage ni Miley, sinabi ang nais malaman.

“I  just want to know po, nasaan ang kaluluwa ni Doctora Joanne nang siya ay patay pa kanina?”

Natigilan si Doktor Larry, hindi inaasahan ang tanong.

Si Doktora  Joanne ay NR, no reaction—dedma lamang. Tila walang pakialam sa isyu.

Naghagilap ng sagot ang doktor. “Ang sabi ng theology professor ko noon, ang taong buhay ay laging merong kaluluwa.

“Therefore, nakabalik na sa katauhan ni Joanne ang kanyang kaluluwa na posibleng namasyal lamang while she was dead!”

Hinimay ni Miley ang paliwanag ni Doktor Larry.

Convincing ba ito para sa kanya, katanggap-tanggap?

Posible raw ‘namasyal lamang’, ayon kay Doktor Larry. Para kay Miley, unacceptable ang ganitong lohika.

PERO bago pa nakapagtanong muli si Miley, binuksan na ni Doktor Larry ang kumot na nakatabing—mula mukha hanggang paa-- sa nakahiga doong reyna ng Undead.

Muntik nang matumba sa pagkagulat si Miley, hindi na naman makapaniwala.

Nakatayo na si Reyna Coreana, nakaharap na sa dalaga.

“Oh my God!”  Napa­ha­gulhol na si Miley. Kilabot na kilabot sa bagong anyo ng reyna na dati’y walang kasing-pangit.

Si Reyna Coreana ay saktong kopya, carbon-copy na ni Miley! Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

DOCTORA JOANNE

DOKTOR

DOKTOR LARRY

JOANNE

MILEY

NBSP

REYNA COREANA

SI DOKTORA

SI REYNA COREANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with