^

Para Malibang

Island of the undead 63

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ISANG himalang napakalupit! Ito ang hinaing ni Miley sa Kataas-taasang Langit. She feels so low.

Hindi maunawaan ng dalaga kumbakit siya, sila ni Blizzard, ay pinarurusahan!

“My Lord, bakit Mo po hinahayaang mamayani ang mga negatibong puwersa ni Satanas?”

Hindi talaga masakyan ng isipan ni Miley ang nangyayari.

“Kakampi Mo po kami, Dear Lord!  Bigyan Mo naman po kami ni Blizzard ng kapayapaang we truly deserve!”

Iniiyakan ng dalaga ang katotohanang sila ng boyfriend ay bihag pa rin sa malupit na Isla ng mga Undead.

Nawasak na ang reputasyon niya sa kaibigang ikinasal nang wala ang kanyang partisipasyon.

“Isusumpa ako ni Chelsea, Blizzard... ibinitin ko siya sa last-minute... napakahirap maghagilap ng substitute Maid of Honor...”

“Miley, kapag nalaman ni Chelsea ang nangyayari sa atin—sa impaktong islang ito—mabubura ang lahat niyang hinanakit...

“Let’s be kind naman sa ating mga sarili...” Sa bihirang pagkakataon ay tama ang sentimyento ng binata.

“Meron akong naiisip, Blizzard, na sa palagay ko’y magtataboy sa mga Undead na ‘yan,” bulong ng  girlfriend.

“Tell me, baka doable.”

“Ilabas mo ang lighter mo nang pasimple.”

Isang lighter na kargado ng butane gas ang  kinuha ni Blizzard sa bulsa ng kanyang cargo pants.

Inginuso ng dalaga ang mga tuyong damuhan at dahon.

Sapat iyon na mag­lagablab kapag nadilaan ng apoy.

Ang mga bantay na Undead ay inaantok, apek­tado ng init ng panahon.

“Bibilang ako hanggang tatlo, Blizzard...”

“Nakahanda ako, Miley...”

“Isa... dalawa...”

Pero biglang nasamid ang dalaga. PRRSSST.

Nabitin ang huling bilang. At may bantay na undead na nagising. (ITUTULOY)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIBILANG

BIGYAN MO

BLIZZARD

CHELSEA

DEAR LORD

KAKAMPI MO

MAID OF HONOR

MILEY

MY LORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with