^

Para Malibang

Island of the undead (60)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

IPINAPATAY mo ako sa hiya, Doc Larry. Bakit kailangang bulatlatin pa? Jeez, this is too much!” hiyaw na naiiyak ni Miley.

“Quiet, please,” giit ng surgeon. “I told you, ang gusto ng reyna ay saktung-saktong replica mo siya.

“An exact copy,” bulong ng duktor. “Naghahabol ako ng oras, hindi ko pa naooperahan nang husto ang misis kong si Joanne!”

Duda si Miley.  “Bakit ramdam kong may iba kang motibo, Duktor  Larry?”

Nanatili namang nagngingitngit si Blizzard; kung di lang bantay ng mga higanteng ipis ng reyna, pinatumba na sa suntok at sipa ang manggagamot.

Iniabot ng duktor ang huling saplot ni Miley. “Maaari ka nang magsuot ng panties mo.  Pati na bra.”

“Pati naman siguro damit, ha, doc?” nakairap na sabi ng dalaga.

“Of course, Miley. At itikom mo ‘yang ano mo...”

“Anung-ano ko, dok?” mataray na tanong ng dalaga. Nasagwaan siya sa bitin na pangungusap ni Doktor Larry.

Napailing-napabuntunghininga ang disenteng manggagamot. “Itikom mo ‘yang bibig mo, that’s what I mean.”

Pahiyang-pahiya naman si Miley. Naging biktima pala siya ng malisyosang isipan sa pagkakataong ito.

“Miley, hindi ako makalabas—nagbabantay ang malalaking ipis!”

Para namang merong nagbulong sa dalaga ng dapat gawin.  Tumili siya nang pagkatinis-tinis!

“EEEEEEE!”

Effective! Parang mga hilong talilong na nagpulasan ng takbo palayo ang mga giant cockroaches!

Muling nagkasama sina Blizzard at Miley, mahigpit na nagyakap, as though there were no tomorrow.

Muling naglaro sa isipan ni Doktor Larry ang greatest dream of his life and career. “Alam kong mabubuhay kita forever, my  Joanne!

“Ikaw ang kagandahang papalit sa napakapangit na reyna!

“Mabubuhay kayong dalawa na parehong nasisiyahan!”

Sa isipan na lamang nanatili ang ultimate plan ni Doktor Larry: “At saka tayo tatakas pabalik sa kabihasnan, Joanne!” (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

ANUNG

BAKIT

DOC LARRY

DOKTOR LARRY

JOANNE

MILEY

NBSP

PATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with