Island of the Undead 59
“NARITO na ang mga kailangan mo, Doctor Larry!” sigaw ni Miley, patakbong palayo sa sinakyang karuwahe.
Dala niya ang malalaking bag na kailangan ng surgeon.
“Sorry po kung nagtagal ako!” Humihingal ang dalaga.
“But it’s all over now, balik na ako sa normal kong sarili...”
Tinurukan agad ng duktor ng kontra pagkabulok ang bangkay ni Joanne.
Nakamasid ang gising na gising nang reyna ng Undead Island, matapos mababad sa kumukulong tubig sa malapad na kawa.
Ewan pa kung lumambot na ang pagkakunat-kunat nitong balat.
Buong higpit na niyakap ni Blizzard ang girlfriend. “Thank God narito ka na, Miley. Hindi ako maaring mabuhay kung wala ka na...”
Their feeling is mutual. Mabubuhay pareho kung magkapiling.
Walang babalang tinurukan naman ni Doktor Larry ng pampatulog si Reyna Coreana. “Para saan ‘yan, Dok Larry?”
Bahagya nang narinig ng lider ng mga Undead ang sagot. Hila na siya ng matinding antok.
“Para maayos ko na ang pagpapaganda sa iyo...” sagot ni Doktor Larry. Napapabuntunghiinga ang makataong surgeon. Pakiramdam niya’y nakaharap sa isang Impossible Dream.
Tila nakatingala siya sa isang Unreachable Star!
Pero inspirasyon niya ang tuluyang pagbuhay kay Doctora Joanne, his wife na tunay niyang minamahal.
Umepekto na rito ang gamot kontra-pagkabulok, lahat ng bahagi nito ay intact, hindi nasira.
BLAGABAGG. Nabuwal sa ibabaw ng ‘operating table’ si Reyna Coreana, tulog na tulog na naman. Katabi nitong unconscious din si Doctora Joanne.
“Miley, kailangan na kita bilang modelo. Maghubad ka na.” (ITUTULOY)
- Latest