Paano maglinis ang genius?
Ihawan - Hiwain sa dalawa ang sibuyas. Isa-isang linisin ang grills gamit ang isang hiwa ng sibuyas. Para next time na mag-ihaw ka, may flavour ang iyong ihawan.
Blender - Lagyan ng tubig ang blender na may kahalong 2 drops ng dishwashing liquid. I-turn on ang blender ng few seconds. Itapon ang tubig, banlawan.
Suka (vomit) sa Carpet - Budburan ng baking soda ang suka. Hayaan lang ito magdamag. I-vacuum kinabukasan. Puwede rin itong gawin sa mattress na sinukahan ng bata.
Basag na baso o anumang bagay na yari sa glass
Maingat na damputin ng kamay ang malalaking piraso. Kumuha ng isang slice na white loaf bread. Ito ang gagamitin para ipandampot sa malilit na pirasong hindi namakita ng mata. Idiin sa sementong pinagbagsakan ng baso ang tinapay para rito dumikit ang mga pinong bubog.
Leather Furniture - Pahiran ng shoe polish. Punasan ng malinis/puting kamiseta na yari sa cotton, na parang nagpapakintab ka lang ng sapatos. Iangkop ang kulay ng shoe polish sa kulay ng furniture. (Itutuloy)
- Latest