^

Para Malibang

Island of the undead 46

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAPAKASAMA, walang kasing lupit na biro ng tadhana! Ito ang labis na himutok ni Miley sa nangyari sa kanilang dalawa ni Blizzard!

Imagine nga naman, matapos minalas na bumagsak sa dagat ang helicopter na nagligtas sa kanila sa mga pating, saka naman ito diretsong bumulusok sa ilalim  ng tubig!

 Hindi nakaligtas sa kamatayan ang piloto at iba pang tauhan!

Pati ang sikat ng araw ay naglaho. Papagabi  na naman, buhay na buhay na namang lalo ang mga Undead!

WO-WO-O-WO-WO-O-O!

Nagsisigawan na sa pagbubunyi ang mga Undead na tauhan ni Reyna Coreana! Palapit na kina Miley at Blizzard!

Likas na gago at tanga ang mga ito. Hindi katulad ni Reyna Coreana na laging matalas ang isipan.

Nasakop na ng ma­tinding pagod at frustration sina Miley at Blizzard.

Nagtaas na lang sila ng mga kamay. Sagisag ng ganap na pagsuko; hands up. Total surrender.

May malupit na Undead. Sinapak agad si Blizzard sa leeg at ulo.

Nayanig ang katauhan ng binata. Nakakita ng mga estrelya bago napa­handusay.

Nakatulog ito  nang wala sa oras.

Merong bastos na Undead, tinangkang hipuan si Miley.  Pero inunahan ito ng dalaga ng karate chop.

Hindi nga namatay ang Undead pero obvious na nauga nang husto. Lumayo agad sa dalawang tao.

Gayunma’y namayani ang puwersa ng mga Undead. Tinalian sina Miley at Blizzard saka kinaladkad pabalik sa kinarorooan ng reyna.

KAHIT nasa impluwensya ng pampatulog and heavily sedated, nagbabalisa na sa ibabaw ng operating table si Reyna Coreana.

“Uuunnn... uunnn...”

Marami ng nasirang surgical instruments sina Duktora Joanne at Duktor Larry sa napakatigas na kutis ng reyna.

Ang huli nilang scalpel ay tuluyan na ring nasira.

“Magpakulo ng maraming tubig sa kawa!”utos ni Duktor Larry.  ITUTULOY

 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

DUKTOR LARRY

DUKTORA JOANNE

GAYUNMA

ITO

MGA

MILEY

NBSP

REYNA COREANA

W-O

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with