Nagmumuta? Ay, baka sore eyes ‘yan!
Ang sore eyes ay tinatawag na conjunctivitis or pink eyes. Kapag may sore eyes, ang namamaga ay conjunctiva ng mata dahil sa impeksiyon (viral or bacterial) o dahil sa allergic reaction sa pollen, alikabok, perfume, cosmetics, usok, o dust mites. Minsan isang mata lang ang apektado ngunit madalas ay parehong mata. Ang sore eyes ay nakahahawa.
Ang palatandaan na unti-unti ka nang may sore eyes ay pamumula ng mata, nagluluha, nagmumuta, pamamaga ng gilid ng mata na may kahalong kati at hapdi, photophobia (sensitive sa liwanag). Paggising mula sa pagtulog, nahihirapang imulat ang mata dahil may pakiramdam na mabigat at malagkit dahil sa muta.
Kung imposibleng makatakbo kaagad sa doktor at makabili ng gamot, narito ang iba’t ibang paraan upang kahit paano ay mapaginhawa mo sandali ang pakiramdam ng iyong mata. Maghugas muna ng kamay bago isagawa ang panadaliang lunas:
1-Wisikan ng malamig na tubig ang mata. Kung hindi epektibo, kumuha ng malinis na kamiseta at dito ibalot ang yelo. Idampi ang yelo sa matang apektado.
2-Kung walang yelo pero may refrigerator kayo, kumuha ng apat na kutsarang stainless. Palamigin ito sa freezer. Ang malamig na kutsara ang ipatong sa matang apektado. Kaya apat ang kailangang palamigin para kapag natanggal ang lamig ng isang kutsara ay may ihahalili kaagad na malamig na kutsara. Banlian ang kutsarang ginamit upang iwas-hawa.
3-Umiyak. Yes, manood ka ng soap opera or gumawa ka ng paraan para mapaiyak. Ito ay upang mahugasan mo ang iyong mata. - Itutuloy
- Latest