^

Para Malibang

Island of the undead - 41

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAPAPAILING nga ang mag-asawang plastic surgeons—sina Duktora Joanne at Duktor Larry—habang inaaayos na ang pigura at kabuuan ng unconscious na si Reyna Coreana.

Nagbubulungan ang mag-asawang siruhano. Napapailing. “Larry, this job with her is...Herculean.”

“Daig pa ‘kamo ang Mission: Impossible.”

Nais na yatang matawa ang dalawang surgeons; nais ding mapaiyak.

Sina Miley at Blizzard ay nananatiling nakamasid, nakikiramdam.

Ang young lovers na ito ay merong meeting of minds, nagkakaintindihan kahit sa mga utak lamang ‘nag-uusap’.

Sabi ni Miley: “Blizz...habang nakatanga ang mga Undead sa kanilang reyna, dapat nating samantalahin.”

Sabi ni Blizzard. “I know what you mean, Miley. Nakahanda ako. Umuna ka at kasunod mo ako.”

Huminga nang malalim ang dalaga, preparasyon sa gagawing pagtakbo nang tuluy-tuloy sa tabing dagat.

“Teka pala, Miley, paano kung wala na sa katihan ang ating balsa?”

“Ramdam kong naroon pa, Blizzard.  I always trust my instinct.”

Walang kamalay-malay ang mga tauhang Undead. Kulang ang mga ito sa talas ng isipan, mga tanga at gago.

Saglit pa ay napakabilis na takbong walang puknat ang ginawa nina Miley at Blizzard.

DAG-DAG-DAG-DAGG. Tunog ito ng kanilang mga yabag.

Takbong pang-marathon iyon, papasa sa Olympic standards.

“Faster! Faster!”

“Yes, Miley...kasunud na kasunod mo ‘ko...”

Isa sa mga tanga at gagong Undead ang sinuwerteng nakapansin sa pagtakas nina Miley.

“HOY!  HABOL! HABOOOL!” sigaw nito. 

(ITUTULOY)

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAIG

DUKTOR LARRY

DUKTORA JOANNE

HUMINGA

MGA

MILEY

REYNA COREANA

SABI

SINA MILEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with