^

Para Malibang

Pagkain pa more na healthy sa libido (2)

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Kung mahalaga sa inyo ang inyong sex life, kailangan ding kumain ng mga pagkaing makatutulong sa inyong sexual health.

Nauna na nating natalakay ang mga pagkaing nakatutulong sa ating sex life. Ito ay ang mga kulay berdeng gulay, ang walang tamis na tsaa, itlog, red wine, at red meat (baka).

Narito ang iba pang pagkain na nakatutulong sa sexual health. 

Seeds at nuts - Mani, buto ng kalabasa, almonds, walnuts, sunflower seeds, at iba pang nuts.

Paborito nating kutkutin ito. Ang mga nuts ay may monounsaturated fats na pinagmumulan ng cholesterol.

Ang cholesterol ay kailangan ng ating katawan para mag-function ng maayos. Pero alalahanin natin na masama rin ang masyadong mataas na cholesterol.

Noong unang panahon, hinahagisan ng mga Romans ang mga bagong kasal ng wallnuts para raw pampasuwerte sa pagpaparami ng anak.

Iniugnay ang walnut sa fertility dahil kung titingnan ang walnut ay para itong scrotum (itlog) ng mga lalaki at ang laman nitong nuts kung titingnan ay parang vulva o genitals ng mga babae.

Kaya perfect na sexy snack ang walnut na may muscle-building protein at fiber na may health benefits sa ating puso.

Ang pistachios ay nakatutulong sa pagpapababa ng triglycerides at LDL (bad) cholesterol, ayon sa Americal College of Nutrition.

Ang pagkain ng nuts ay pangontra sa cancer, sakit sa puso, at alzheimer’s desease.

Ang mga nuts lalo na ang walnuts at almonds ay nagpapababa ng levels ng  LDL (bad cholesterol) at lipoprotein(a) na na­giging sanhi ng clotting o pamumuo ng dugo na sanhi ng stroke ayon sa isang pag-aaral. Ang sunflower seeds naman ay mayaman sa Vitamin E na panlaban sa aging.

Kung healthy ka, mas effective ka sa iyong sexual life.

ACIRC

AMERICAL COLLEGE OF NUTRITION

ANG

INIUGNAY

ITO

KAYA

MGA

NARITO

NAUNA

NOONG

VITAMIN E

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with