Type ang may edad na girl
Dear Vanezza,
Ask ko lang bakit po ganun napakahilig ko sa girl na mga may edad na maganda at maayos pumorma. Mga edad 45 pataas samantalang ako po ay 28 lang. Ito po ba ay abnormalidad o sakit?
- Jay
Dear Jay,
Normal lang humanga sa mas may edad sa’yo. Kadalasan ang hanap ng mas bata ay matured dahil sa palagay nila ay makakatulong sa kanilang pag-grow ang malawak na pananaw nito sa buhay at experienced sa iba’t ibang aspeto. Kung poporma ka sa mga may edad, tiyakin mo lang na single ang girl dahil kung married ang pupuntiryahin mo ay baka magkaproblema ka lang.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest