^

Para Malibang

Bakit mabaho ang hininga pagkatapos kumain ng bawang?

Pang-masa

Sabi ng mga matatanda, ang pagkain umano ng bawang ay nakakababa ng blood pressure. Kahit ang nanay ko ay sinasabihan akong kumain ng bawang kapag nag-aalboroto ako, opo high blood (mataas ang presyon) po ang inyong lingkod. Ha ha ha. Pero bukod sa maganda rin itong pangontra sa bad cholesterol sa katawan, marami pang gamit ang bawang na naiuugnay sa pagsugpo ng mga sakit.

Hinding-hindi naman maaaring mawala sa pagluluto ang bawang lalo na sa paggigisa. Ang bawang ay isa sa “aromatics” na tinatawag na ­siyang nagpapabango at nakakadagdag ng lasa sa ating mga lutuin. Hindi kumpleto ang lasa ng sinangag kung walang bawang. Walang sipa ang sawsawan sa piniritong isda kung walang sili at bawang. Oh, hulog naman talaga ng langit ang bawang!

Pero ang isa sa hindi gusto ng nakararami na malamang tulad mo, ay ang pag-iiwan nito ng mabahong hininga. Bukod pa sa nakadaragdag din ito sa body odor kapag pinagpawisan tayo. Pero ano nga ba ang dahilan ng mabahong hininga sa pagkain ng bawang? Ito’y dulot ng ilang sulfuric compounds na napupunta sa ating bibig. Ang ba­wang din ang nagpapalala sa pagdami ng microbes sa bibig na siyang dahilan ng mabahong hininga.

Subalit mas lalo itong titindi kahit pa matapos linisin ang bibig. Name-metabolize kasi ang ilang sulfuric compounds na kalaunan ay napupunta sa daluyan ng dugo. Ang compounds na ito, lalo na ang allyl methyl sulfide ay ilalabas ng katawan sa pores ng balat. Mapapasa naman sa hangin na hinihinga ang amoy na ito at mapupunta sa baga na siyang lalong magpapabaho ng hininga kahit pa naglinis ka na ng bibig.

Nakakadiring pro-seso, hindi ba? Pero ano ang mas pipiliin mo, ang maging malusog at makaiwas sa sakit pero mabaho ang hininga at katawan o ang pagiging mabango pero lapitin naman ng sakit? Kung ako ang tatanungin, wala! Ha ha ha.

Pero walang halong biro, paborito ko ang bawang at wala akong paki kung bumaho man ang aking hininga, kesehodang may ka-date ako. Ha ha ha. Burp!

ACIRC

ANG

BAWANG

BUKOD

HININGA

ITO

KAHIT

MAPAPASA

NAKAKADIRING

PERO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with