^

Para Malibang

Shettles method – Boy o girl

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

Ngayong alam na natin ang mga elements para ng Shettles method--  ang mga properties at behavior  ng X at Y sperms at ang ovulation, maiintindihan na nating maigi ang mga dapat gawin para maging babae o lalaki ang nais nating maging baby.   

Kung mas mabilis ang boy sperm- Y chromosome ay mas mabilis pero maigsi ang buhay, ang layunin ng Shettles method ay iteyempo ang pagse-sex kapag malapit na ang ovulation – bago mag-ovulation sa araw mismo ng ovulation. Ang konsepto nito ay makalalangoy ng mas mabilis ang Y-chromosome sperm kaysa sa X-chromosome at mas maraming Y ang mauunang makarating sa egg kaya mas malaki ang tsansa na maging baby boy ang inyong anak.

Tandaan na  tumatagal lang ang egg ng 24-oras pagkatapos ng ovulation. Isang sperm lang ang makaka-fertilize ng egg mula sa milyong sperm  kaya ang pagse-sex malapit sa ovulation  ay mas pabor sa mabibilis na Y-chromosome sperm kahit hindi tumatagal ang buhay nila.

Ayon kay Shettles, para lumaki ang tsansang magka-baby boy, huwag mag-sex sa “transitional” fertile days— four to five days bago mag-ovulate. Iminumungkahi rin ang malalim na penetration para mas malapit ang lalakbayin ng sperm papuntang cervical canal kung nasaan ang egg at para na rin mas malapit sa cervical mucus na mas marami kapag fertile. Inirerekomenda rin ni Shettles ang sexual position narear entry o “doggy style” para sa mas malalim na penetration. Ayon kay Shettles, dapat ding subukan ng mga babae ang mag-orgasam kasabay ng partner dahil ang orgasms ay nakadaragdag sa endocervical secretion at tumataas din ang the alkaline level ng vagina. Dapat namang iwasan ng mga lalaki ang pagsusuot ng masisikip na damit at iwasang uminom ng mainit na tubig bago mag-sex dahil hindi ito pabor sa Y-Sperms.

Kabaliktaran naman ang gagawin kung gustong magkaanak ng babae.

Mag-sex sa transitional days dalawa o tatlong araw bago mag-ovulate. Iwasang mag-sex kapag fertile dahil mas maraming egg-white cervical fluids sa mga araw na ito. Suggestion ni Shettles sa mga babae, iwasang mag-orgasm at huwag malalim ang penetration para mahirapan ang mga male sperm sa kanilang paglalakbay papunta sa egg kaya gamitin ang missionary position o shallow-penetration strategy.

Ang principle nito ay mas mapapaboran ang mga mababagal ngunit mas matagal ang buhay na female X-chromosome sperm dahil nakakatagal ang mga ito sa mas acidic environment ng vagina.

(Source: wikipidea.com, ovulation-calculator.com, fertilityfriend.com, babycenter.com)

ANG

AYON

COM

MAG

MAS

MGA

NBSP

OVULATION

QUOT

SHETTLES

SPERM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with