^

Para Malibang

Island of the undead 22

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGKAROON naman ng pagkakataon sina Miley at Blizzard para magkausap sa labas ng kuweba ni Reyna Coreana.S

Pero may malubha na talaga silang problema.

“Blizzard, gutom na gutom na talaga ako. Nanghihina na ako. Ikaw din siguro. Pangatlong araw na itong wala tayong kinakain.”

 “At saan nga tayo kukuha ng pagkain? Eh, ang hi­gpit ng bantay diyan sa bodega nila ng mga de-latang pagkain na naipon mula sa mga nadisgrasya sa dagat.”

“Ano kaya kung subukan nating humingi sa mga bantay?”

“Okay ako diyan. Halika na, tayong dalawa ang hihingi.”

Lumapit na nga sila sa bodega ng pagkain. Mula sa labas, nasisilip nila ang napakaraming nakaimbak na de-lata. Pati bottled water.

May anim na undead na nagbabantay sa pinto ng bodega. Mga maaangas bukod sa nakakadiri ang kapangitan.

“Boss, Sir ... hihingi sana kami ng rasyon namin ng pagkain at tubig. Para sa aming dalawa lang.”

“At sino ang nagsabing puwede kayong humi­ngi?”

Nagkatinginan ang mag-nobyo. Magsisinunga­ling na ba sila?

Pero may values sina Miley at Blizzard.

“Ang totoo, Sir ... wala pa pong nagsabi  sa amin. Naisip lang namin kasi po nagugutom na kami. Kabilang n’yo na naman po kami, ‘di po ba?” Hindi nakapagsinungaling si Miley.

Nagkatinginan ang  mga bantay. Ayaw nilang magpauto. Hanggang hindi sinabi ni Reyna Coreana sa kanila na mamimigay sila ng pagkain sa dalawang taga-kabihasnan na ito, kahit kinakalawang na lata ng sardinas ay hindi makakatikim ang mga ito.

“Kapag si Reyna Coreana na mismo ang nag-utos sa amin, saka kami magbibigay. Alis na kayo, alis!”

Bigong lumayo ang dalawa.

Sabay silang napaupo sa isang nangingitim na bato. Nagsisimula nang manghina.

Hindi pa rin sila nakahingi ng tubig, uhaw na uhaw na sila. Nanunuyo na ang mga lalamunan nila.

“Ano’ng ginagawa ninyong dalawa diyan? Ayoko nang tamad. Maghanap nga kayo ng magawa!” Nanita na ang reyna nang makita sila.

“Mahal na reyna, kapag hindi pa ninyo kami pinakain at pinainom ng tubig, mawawalan kayo ng mga alipin na gumagalang sa inyo. At humahanga rin sa inyong kagandahan.” Pinagbuti ni Miley ang pakikipagkaibigan sa reyna, dito nakasalalay ang buhay nila ni Blizzard. -ITUTULOY

vuukle comment

ACIRC

ALIS

ANG

ANO

AYAW

AYOKO

MGA

MILEY

NAGKATINGINAN

PERO

REYNA COREANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with