^

Para Malibang

Pagtanggal ng eggshell sa binasag na itlog

Pang-masa

Hindi mawawala ang itlog sa kusina ng bawat Pi­lipino. Masasabing nakahiligan na natin ang pagkain nito na mayaman sa iron at mga bitamina.Ito rin ay isang magandang source ng protein.

Kadalasang paborito itong kapares ng tuyo, tapa, longganisa, hotdog, o tocino sa agahan. Kahit sa tinapay o burger ay masarap din itong ipalaman.

Minsan ay inilalagay sa instant noodles ang itlog lalo na kapares ng instant pancit canton! Hindi rin mawawala ang itlog sa kusina ng isang nagbi-bake.

Kung kayo ay mahilig magluto at lagi sa kusina, siguradong naranasan n’yo na ang isa sa pinoproblema ng karamihan kapag nagbabate ng itlog – ang malaglagan ng durog na eggshell sa bowl! Hindi ba’t halos mabaliw ka na sa pagtanggal ng eggshell na nalaglag sa babatehing itlog?

Pero may madali nang paraan para matanggal ang tila nang-aasar na eggshell na na-stuck sa egg white. Ang kailangan lang gawin ay basain ang iyong daliri at ito ang ipantaggal sa eggshell. Siguradong mamamangha ka sa parang magic na pagdikit ng piraso ng eggshell sa iyong daliri!

Sa ganitong paraan, mas mapabibilis ang iyong pagluluto at siguradong mai-enjoy mo na agad ang iyong itlog. Burp!

vuukle comment

ACIRC

ANG

EGGSHELL

ITLOG

ITO

KADALASANG

KAHIT

MASASABING

MINSAN

PERO

SIGURADONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with