^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (52)

TALES FROM THE OTHER SIDE - The Philippine Star

HABANG maraming tao ang nananalig sa Diyos at nagsisipagdasal na maligtas sa babalang radiation fall-out, mula sa submarinong nasa gitna ng Roxas Boulevard, mas marami naman ang tila walang pakialam.

Mga pasaway ang mga taong ito na hindi lang sa Manila nagmula kundi sa mga karatig-bayan.

Iisa ang hangad ng mga taong ito—ang makita at makuhanan ng larawan ang submarinong nasa kalye.

Sakay sila ng mga bus at iba’t ibang sasakyan, humugos talaga. After-all nga daw, bihira sa buong mundo na nagkakaroon ng submarino sa katihan.

Wala silang pakialam sa radiation fall-out, walang ideya na para ring  atomic bomb ang epekto nito sa mga tao.

Na sila at ang mga tulad nilang tanga ay dadanas ng malagim-napakahirap na kamatayan.!

 Gaya sa nangyari sa Nagasaki at Hiroshima noong World War 2, malalapnos ang kanilang mga balat, mamamatay sila sa kinatatayuan sa kalunus-lunos na paraan.

SAMANTALA, nasa gitna na ng Manila Bay ang nag-iisa na lamang na higanteng gorilya.

 Hila-hila nito sa dagat ang tatlong patay na kasama.

Nag-iisip pa ito ng dapat gawin sa mga kalahi. Hahayaan na lang bang mabulok sa gitna ng dagat?

Napatanaw ito sa palibot ng Manila Bay. Sa dakong Cavite City at sa  dalawang pamosong lugar na naging tanyag noong digmaan.

Ang Corregidor at Bataan ay payapa, walang kaalam-alam na nagbabanta ang trahedya at kaguluhan mula sa higanteng gorilya.

Biglang binuhat ng natitirang higante ang isang bangkay, hawak-hawak sa paa na pinaikut-ikot sa ulunan.

 Saka ihinagis na sa kalupaan.

Bumagsak sa mataong lugar ng Bataan ang higanteng gorilyang patay. Halos nahagip nito ang bubungan ng simbahan.

Nabulabog ang mga nagsisimba. Isang inang kagampan ang napaanak nang wala sa oras. “UHAA...UHAAA...”

Sinawing-palad ang bagong panganak. Namatay sa takot. (ITUTULOY)

ANG

ANG CORREGIDOR

BIGLANG

BUMAGSAK

CAVITE CITY

GAYA

HAHAYAAN

MANILA BAY

MGA

ROXAS BOULEVARD

WORLD WAR

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with