^

Para Malibang

May asawa na ang girlfriend

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Oneil, nasa 4th year ako ng kursong Chemical Engineering. Mayroon akong gf. Tawagin mo na lang siyang Carla. Limang buwan na kami at may nangyari na sa amin. Mahal ko siya kahit alam kong hindi ako ang unang lalaki sa buhay niya. Pero may isang bagay akong natuklasan na nakabigla sa akin. May asawa na pala siya. Pakilala kasi niya sa akin ay dalaga pa siya at ang mga magulang niya ay nasa Davao. Iyon pala, asawa niya ang nasa Davao at dito lang siya nag-aaral sa Maynila. Minsan nang kumain sa labas nakita ko nang buksan niya ang kanyang pitaka ang isang laran ng lalaki. Sabi niya kapatid niya. Di nagtagal, may sumundo sa kanya sa school. S’ya yung lalaki sa pitaka. Nagtaka ako dahil hindi ako ipinakilala at bigla na lang silang umalis. Di nagtagal ay napilitan siyang umamin sa akin. Masakit ang nangyari dahil mahal ko siya. Ano ang gagawin ko?

Dear Oneil,

Karaniwan ay lalaki ang nagpi-pretend na binata pero sa kaso mo, yung gf mo ang nagpanggap na dalaga. Simple lang ang gagawin mo. Forget her. Hindi siya tapat na babae. Kung nagawa niyang lokohin ang kanyang asawa ay mas lalong kaya niya itong gawin sa iyo, na ginawa na nga niya. Magpasalamat ka na lang at habang maaga ay nalaman mo ang tunay niyang pagkatao. Ituring mo na lang siyang magandang karanasan. Marami ka pang makikilalang higit sa kanya.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

CARLA

CHEMICAL ENGINEERING

DAVAO

DEAR ONEIL

DEAR VANEZZA

LANG

NIYA

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with