^

Para Malibang

Nabuntis ng rapist

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Linda, isang ina. Ang problema ko ay tungkol sa anak kong babae na graduating na sa high school. Biktima siya ng rape. Minsang ginabi siya ng uwi dahil dumalo sa party, hinarang daw sila ng kanyang kaibigan ng tatlong lalaki na hindi nila kilala. Sa isang madilim na lugar dinala sila at pareho silang ni-rape. Dalawang buwan na ang nakalilipas at ngayon ay buntis ang anak ko. Hindi pa rin nahuhuli ang mga lumapastangan sa kanila at walang lead ang pulisya sa kaso. Dapat ko bang ipalaglag ang sanggol sa sinapupunan ng anak ko? Ang pulisya lang ang nakakaalam ng pangyayari at hindi ito batid ng mga kaanak namin at kapit-bahay. Ano ang dapat naming gawin?

Dear Linda,

Anuman ang dahilan, iligal at kasalanan pa rin ang abortion. Masakit man subalit kailangan ninyong harapin ang katotohanan. Kailangan ding makipagtulungan ang anak mo at kaibigan niya sa ikadarakip ng mga salarin. Magpakatatag kayo at manalangin sa Dios sa pagsubok na dumating sa inyong buhay. Sana’y maging aral ang nangyari sa inyo at sa ibang magulang na maluwag sa kanilang mga anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

ANUMAN

BIKTIMA

DALAWANG

DAPAT

DEAR LINDA

DEAR VANEZZA

DIOS

KAILANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with