7 alituntunin sa Paggamit ng Kulay
Ang kulay ay maaaring gamitin sa carpet; tiles; kurtina; pintura; sala set.
1--Ang bedroom ay lugar na pahingahan kaya mas mainam na pastel colors o maputlang kulay ang gamitin dito.
2--Ang matingkad o masayang kulay ay gamitin sa salas at kusina.
3--Alalay lang sa paggamit ng pula at itim. Ang sobrang pula ay lumilikha ng kapusukan ng damdamin samantalang ang sobrang itim ay lumilikha ng depresyon at kawalang-pag-asa.
4--Ang puti ay lumilikha ng malinaw na isipan, konsentrasyon at pagiging malikhain. Ang kulay na ito ay magandang gamitin sa study room, sa kuwarto ng mga bata at west section ng kabahayan.
5--Ang berde ay nagbibigay ng positive attitude sa tao. Simbolo ito ng pag-unlad. Mainam gamitin sa east at southeast section ng inyong bahay upang umunlad ang inyong kabuhayan.
6--Ang dilaw ay simbolo ng mahabang buhay, kaligtasan at katatagan. Mainam itong gamitin sa northeast at southwest section upang magkaroon ng magandang relasyon ang mag-anak at madagdagan ang kanilang talino.
7--Ang light blue ay lalong nagpapatingkad ng pagiging malikhain ng isang tao at pagiging maunawain. Pero ang dark blue o navy blue ay nagbibigay ng “walang pakialam” attitude sa isang tao. Sa north section ng bahay ito ginagamit upang umunlad ang business o career.
- Latest
- Trending