Pag-initin ang relasyon sa pagsasayaw
Ang relasyon ng dalawang tao ay maihahambing sa pagsasayaw. Dahil kapag nagsasayaw ang isang mag-partner, kailangan nilang magkaroon ng kooperasyon sa kanilang mga galaw upang makasunod sa tempo ng musika. Pero, sa totoo lang mayroong literal na benepisyo ang pagsasayaw sa magkarelasyon.
Bonding – Ang mag-partner na magkasama sa anumang gawain o activities ay nagkakaroon ng mas matibay na samahan. Kaya kapag sabay kayong nag-aral ng pagsasayaw, mas marami kayong oras na magkasama, magkausap at higit sa lahat mahaba ang oras ninyo sa pagtatawanan.
Mas malawak na pang-unawa – Kapag magkasama kayong nagsasayaw, tiyak na matututunan ninyong dalawa ang isa’t isa sa kilos lang kahit walang salita. Mas magiging malalim ang pang-unawa mo sa kanya kahit sa simpleng pag-igkas ng kanyang kamay.
Pagkakaisa – Sa pagsasayaw makakakuha rin ng pagkakaisa, dito ay mapapaunlad na magkaroon ng iisang “goal” sa buhay at pagtitiwala sa iyong partner. Kapag nagsasayaw din, matututunan na makalimutan ang ego o pride ng isa’t isa. Palagi ninyo kasing iisipin ang pangangailangan na magkaroon ng iisang kilos at isip.
Nagbibigay ng init sa inyong dalawa – Ang mga sayaw gaya ng Salsa at Tango ay kilalang mga sayaw na “seductive” o may pang-akit sa emosyon. Sa oras na magsimulang sayawin ang mga tugtuging ito, tiyak na makakaramdam ng kuryente sa katawan na muling magpapainit sa inyong nanlalamig na relasyon.
- Latest