^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (24)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

 DAHIL sa amoy ng bagong lutong bibingkang itlog, nakatulogan ng mga halimaw sa katawan ni Miggy.

 Pansamantlang  napahinga si Miggy sa kagat ng mga halimaw na 99 na lamang.  Nabawas ang isa na tinadtad nang pinung-pino ng ama.

“Ang problema, Dad, paano kung magising sila at tayo’y parehong na-caught off-guard. Halimbawa po’y natutulog tayo?

“O kaya ay nasa CR kayo o nasa labas? Or worse scenario ho, na-immune na pala sila sa amoy ng bibingkang itlog?”

 “Miguel, walang katapusan ‘yang mga pinuproblema mo. Saka na tayo aaksiyon kapag nandiyan na ang sitwasyon.” Pinormalan ng ama si Miguel. “Magpakalalake ka nga”.

SAMANTALA, mula sa hangin, biglang lumitaw sa lunsod si BURDUGUL. Ang mala-gorilyang halimaw na likha ni Shirya ay sampung ulit na mas malupit kaysa sa mumunting halimaw.

Sa kahabaan ng main road ng executive village naglalakad ang mala-king halimaw, merong dalang pambambo. Para itong pangit na version ng komiks character na si Barok.

Ang pambambo ni Burdugul ay solidong kahoy na palapad na pa-oblong ang dulo.

Daig pa nito ang tinamaan ng maso kapag nasapol ang  target. Wala talagang kabuhay-buhay.

GROWWLL! Super-lakas na sigaw ng mala-gorilyang nilikha.

Nagkagulo ang mga motorista, sinakop ng matinding takot.

Kanya-kanyang iwas, nagkakabungguan na tuloy. BRAAMM. TWALAANGG.

Nagsidating agad ang mga sekyu ng village, Kinalaban nila ang takot sa mala-gorilyang 7-footer.

Pinaulanan nila ito ng bala. BANG-BANG-BANG-BANG.

BRAT-TAT-TAT-TATTATT.

Sapol ang malapad na katawan ng mala-gorilya. Pero nagtalbugan ang mga  bala. Parang naulit sa tunay na buhay ang eksena sa pelikulang KingKong.

Nanatiling nakatayo si Burdugul, buhay na buhay!

“AYYAAAHHH!”  Umatungal nang napakalakas. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

BAROK

BURDUGUL

DAIG

HALIMBAWA

KANYA

KINALABAN

MIGGY

MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with