Problema sa Biyenan
…Paano makakatulong ang Feng Shui?
Situation A. Nakikitira sa Inyo ang Biyenan
Note : Kadalasan, manugang na babae at biyenang babae lang naman ang nagkakaproblema, kaya nakapokus dito ang ating diskusyon.
Gumamit ng maliwanag na bombilya sa Southwest (SW) ng salas. Magdispley din ng litrato sa SW kung saan magkasama sa litrato ang magbiyenan na parehong masaya ang mga mukha. Ang tip na ito ay mula sa paniniwalang Taoism (relihiyon base sa pilosopiya ni Lao-tzu). Magkakaroon ng positibong epekto sa bawat isa kung lagi nilang makikita ang litrato nilang dalawa na masaya.
Magdispley sa mesita ng dalawang crystal balls. Lilikha ito ng earth energy na maglalapit ng kalaooban ng magbiyenan. Applicable din ito sa problemang manugang-biyenan ng anumang “gender.” Itutuloy
- Latest
















