Sobrang selosa ng GF
Dear Vanezza,
Ako po si Benz, 20 years old, engineering student. Problema ko po ang gf ko na sobrang selosa. Almost six months na kami at habang nagtatagal lumalabas ang kanyang pagka-demanding. Gusto niya lagi ko siyang hinahatid at sinusundo sa bahay nila. Kapag hindi ko nagawa ang gusto niya, iisipin niya may iba akong babaeng ine-entertain. Alam naman niya na working student ako at ang schedule ko ay madalas may conflict sa time na gusto niyang magpasundo o magpahatid.
Tapos minsan sinamahan ko sa mall ang sister ko, nakita pala niya kami at ng magkita kami, katakut-takot na ang pang-aaway niya sa akin. Ayaw niyang maniwalang kapatid ko ang kasama ko. Mahal ko siya pero nakakairita na. Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dear Benz,
Bakit hindi mo siya isama sa bahay n’yo at ipakilala sa iyong mga magulang at kapatid para mapawi ang anumang pagdududa niya sa’yo. May mga tao talaga na sobra ang pagkaseloso o selosa. Giver her a chance na magbago. Bigyan mo rin siya ng assurance na mahal mo siya at hindi mo siya ipagpapalit kanino man. At kung talagang mananatili ang kanyang pagiging selosa, siguro it’s time para mag-isip ka na. Okay ang magselos, pero kung ito’y unreasonable na, malamang makaapekto ito sa inyong future relations as husband and wife. Anyway, bata pa kayo at mabuting pag-aaral pa rin ang dapat na i-priority.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest