^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (16)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ANG labis na ipinagtataka ni Shirya, si Miggy na pinakabata sa grupo nina Max, Marko, Brendon at Primo ay merong kakaibang aura.

 Hindi ito tulad ng apat na halatang malupit sa magagandang dalaga. Si Miggy sa tingin ni Shirya ay isang maamong tupa.

 Pero ang anyo ay mapanlinlang, alam ng napakagandang diwata. Posibleng ang ‘maamong tupa’ ay isa palang ‘mabangis na tigre’; na ito’y nang-rape din sa kanya noong wala na siyang kamalayan.

“Dapat lang na isinama ko sa sumpa ang lalaking ‘yon. Magdusa silang lima. Hindi sila patatahimikin ng aking sandaang halimaw!”

“AAAAHH!” nakakikilabot na sigaw ni Miggy habang sakay ng commuter train. Nagtatakang napatingin sa kanya ang mga kasakay.

 Naramdaman ni Miggy ang gumagalaw na mga nakaumbok sa kanyang katawan, sa labas ng tiyan hanggang dibdib.

 Nararamdaman din ng guwapong mabait na binatang ito ang pagkagat ng kung anong nasa katawan niya. Parang hinihiwa ng blade ang kanyang katawan.

 “Paraaa! Para na pooo!” Sa tindi ng sakit at kirot ay para nang nababaliw si Miggy o Miguel.

 Akala ay basta hihinto ang commuter train kahit saan, parang jeepney na nagbababa ng pasahero kahit sa bawal. “Paraaa!”

“Ano ba namang mama ‘yan, nabaliw yata?” pasupladang komento ng isang dalaga.

“Sayang, may itsura pa naman,” bulong ng katabing babae.

“Huwag siyang magkamaling salingin kayo, mga miss. Gigripuhan ko siya,” mayabang na banta ng isang tibo.           

Ibinukas nito ang clutch bag, kinapa doon ang balisong.

Mangiyak-ngiyak nang nakiusap sa mga pasahero si Miggy o Miguel. “Mawalang galang na po laluna sa mga babae! Right now merong ngumangatngat sa aking katawan!

“Kailangan ko pong tiyakin kung ano! Kailangan ko pong maghubad ng polo shirt!”

Kasunod ay naghubad na nga ng pang-itaas ang mabait na binata. Halos  pahablot, nagmamadali.

“EEEEE!” Tili ng mga pasahero, hindi makapaniwala.

(ITUTULOY)

vuukle comment

ANO

BRENDON

KAILANGAN

MIGGY

MIGUEL

PARAAA

SHIRYA

SI MIGGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with