^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (12)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINIMATAY ang mabuting ginang matapos makita ang nagkikislutang mumunting halimaw sa katawan ni Primo.

Ang mister nito ay parang itinulos sa kinatatayuan. Mayamaya’y tutop ang dibdib na nawalan din ng malay-tao.

 WEEIING-WEEIINGG. Noon duma­ting ang ambulansiya.

 Bukod kay Primo ay isinugod din sa pagamutan ang may-edad nang mag-asawa. Si Primo ay nagawa pang itago ang mumunting halimaw, takot na matakot ang ambulance crew.

“A-ayoko pang mamatay... ayokong salubungin ni... Satanas...” bulong-ungol ni Primo, bubog-bubog ang pawis sa noo.

Nagkatinginan ang ambulance crew. Dinig nila ang bulong ng lalaking sugatan at duguan.

Samantala’y halos sabay na natauhan ang mag-asawang may-edad bago pa man nila sinapit ang pagamutan.

Naalala ng ginang ang nakita sa katawan ni Primo. “Alfonso, ang maliliit na impakto... b-baka—”

“Pilar, kumalma ka na. Bahala na sa kanila ang mga duktor... basta nagawa na natin ang ating part sa taong ito...” Nakatingin sila kay Primo na hindi mapakali sa pagkakahiga, halatang pinahihirapan ng sandaang halimaw.

“Malayo pa ba, ha? Bakit  an’ tagal?” Ang ospital ang itinatanong ni Primo, paos na ang tinig.

“Nandiyan na po, sir,” magalang na sabi ng nurse. Papasok na sila sa kinaroroonan ng Emergency.

Isinakay agad sa stretcher si Primo, mabilis na ipinasok sa trauma section. Naghihintay na doon ang malusog na duktora at ilang young doctors.

Ewan kung nilalaro ng demonyo si Primo, kumislap-kislap ang ilaw. Biglang nagka-power failure. “Siyet,” naibulalas pa ni Primo. Kung puwede lang ay nais nang magwala ng masamang lalaki. Sumasalit sa kanyang bakukong diwa ang napakagandang babae sa batis—si Shirya na walang awa nilang ni-rape nina Brendo, Max at Marko. ANG DIWATANG inapi ay para pa ring basang-sisiw. (ITUTULOY)

vuukle comment

BAHALA

BAKIT

BIGLANG

BRENDO

BUKOD

DINIG

EWAN

PRIMO

SI PRIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with