Sandaang mumunting halimaw (7)
SA KANYANG sariling mundo sa batis, matiyagang hinintay ng diwatang si Shirya ang pagbibilog ng buwan.
Sa gabing ito matutupad ang kanyang sumpa sa mga mangangasong nanghalay sa kanya at walang awang pumatay pa kay Eugenio.
“Bago matapos ang magdamag ay tutubuan na ng sandaang halimaw ang mga rapists at murderers na ‘yon!” sigaw niya sa panggabing hangin.
Kasunod ay nanaghoy siya, hindi matanggap na wala na si Eugenio.
“HU-HU-HU-HUUYY!”
Nagliparang palapit kay Shirya ang mga alitaptap, kitang inaaliw ang dalagang nananaghoy.
Nagpahid ng luha si Shirya, naglubag ang loob sa wagas na pagdamay ng mga alitaptap.
“Salamat. Am’ babait ninyo,” buong pusong bulong ni Shirya sa mumunting tagapagdala ng liwanag.
ANG pangkat ng mangangaso na target ng sumpa ng diwata ay sa isang executive village nakatira.
Magkakalapit ang kanilang bahay na bunga ng kanilang katusuhan. Sila-sina Max, Marko, Primo at Brendon ang tinatawag na magkukumpareng dikit.
Super-close ang kanilang barkadahan. Hanggang sa HongKong at Kuala Lumpur ay sama-sama silang naglalakbay-kasama ang kani-kanilang kabit; mga babaing tulad nilang imoral.
Hindi original member ng kanilang hunting party ang binatang si Miggy o Miguel. Mabait na mamamayan ng isang ordinaryong neighborhood ang binata.
Sabit lang siya sa pangkat ng mangangasong rapists and murderers.
Si Miggy ang may pinakasimpleng hunting rifle sa pangkat nina Max. Ang sa apat ay de-sabog; ang kanya ay de-perdigones.
Sina Max, Primo, Brendo at Marko ay may sari-sarili nang pamilya; matitinong misis at mga anak na walang kaalam-alam na ang ama ng tahanan ay mga demonyong hayok sa laman.
Si Miggy ay may kasintahan na mabait at maganda. Buo ang tiwala nila sa isa’t isa. Balang-araw, plano nilang maging mag-asawa.
KABILUGAN na ng buwan, nakatingala si Shirya sa langit. (ITUTULOY)
- Latest