^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (5)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

BUKOD kay Max ay makikinis din ang mga katawan nina Primo, Brendo at Marko. Walang tumubong ‘sandaang mumunting halimaw’ sa anumang bahagi ng kanilang katawan.

 “Ha-ha-ha-ha-haa! Hindi nagkatutoo ang sumpa kuno sa ‘tin ng seksing babae sa batis!” tuwang-tuwang sigaw ni Max.

 “Oo nga, mga ‘tol! Tinakot lang pala tayo!” sigaw ni Marko.

Sina Brendo at Primo ay nagsipag-high fives, tuwang-tuwa din. Napatingin sila sa pinakabatang mi­yembro, ang mabait na si Miggy. Sa kanilang lima ay si Miggy lang ang hindi gumalaw sa babae sa batis.

Mangha kay Miggy ang apat na hayok, nagsisipagtaka kumbakit kamot nang kamot ito sa katawan.

“Putrakla! Ikaw ba ang tinubuan ng sandaang halimaw, Miggy?” kinakabahang tanong ni Max.

“E-ewan ko po, mga boss!  Basta po ang kati-kati lalo na sa bandang tiyan ko!” Namumutla si Miggy, natatarantang kamot nang kamot pa rin.

Nagkatinginan ang apat na hayok. Iisa ang naiisip: ang hindi ba nangyari sa kanila ay kay Miggy nagaganap?

Ito ba ang tinubuan ng sandaang halimaw?

“Ililis mo, Miggy!” utos ni Max. “Itaas mo ‘yang t-shirt mo nang makita natin!”

 “A-ayoko po, mga boss! Natatakot po ako!” Putlang-putla na si Miggy, walang tigil pa rin nang kakakamot.  Inutusan ni Max sina Primo at Marko. “Kayong dalawa ang magtaas ng damit ni Miggy! Dali!” “B-Bakit kami lang? Bakit hindi pati si Brendo?” “Si Brendo ang hahawak kay Miggy, mga ugok!” bulyaw ni Max.    

  Sapilitan ngang huhubaran na ng tatlo si Miggy, pigil ang mga hininga. Hindi pa man ay kilabot na kilabot na sa makikita sa katawan ni Miggy. Pikit-matang inililis na ng tatlong mangangaso ang t-shirt ni Miggy.

Si Max na nasa harapan ng mabait na binata ang unang nakakita sa katawan ni Miggy. Hindi ito makapaniwala sa nakita.

“Anak ng tampuroroy!” Yanig na napakamot sa ulo si Max. (ITUTULOY)

vuukle comment

ANAK

BRENDO

MARKO

MAX

MIGGY

SI BRENDO

SI MAX

SINA BRENDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with