^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (4)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PUMAILANLANG nga sa hangin ang sumpa ni Shirya, matapos ilibing sa kuweba ang bangkay ni Eugenio.

Nakakakilabot na banta iyon ng parusa sa mga mangangasong lumapastangan sa kanyang kapurihan.

“TUTUBUAN KAYO SA KATAWAN NG SANDAANG HALIMAW! ISUSUMPA NINYO ANG ARAW NA KAYO’Y ISINILANG!”

Umabot iyon sa pandinig nina Primo, Brendo, Max at Marko. Ang mabait na si Miggy ay walang narinig. Nasa hulihan siya ng apat, pabalik na sa kabihasnan.

Nagkatinginan ang apat na manyakis sa babae.

“N-narinig n’yo rin?” kinakabahang tanong ni Max sa mga kasama. “Tutubuan daw tayo ng sandaang halimaw...”

Namumutlang nagsitango sina Brendo, Marko at Primo.

Naghagilap sila ng posibleng dahilan.

“Imposibleng galing iyon sa babaing ni-rape natin! Napakalayo na natin sa batis sa gubat,” saad ni Primo.

“Palagay ko’y ito ang tinatawag na mass hypnotism. Mismong tayo ang naghipnotismo sa ating mga utak—base sa narinig natin sa babae bago tayo umalis sa batis,” katwiran ni Marko.

Napansin nila si Miggy. Hindi bakas sa mukha nito ang anumang takot.

“Hoy, Miguel, meron ka rin bang narinig...?”

“Wala naman po, mga boss ko,” buong pa­kumbabang sagot ni Miggy. Ayaw na niyang muling masipa sa nguso.

Nagkatinginan ang apat na hayok sa laman. Unti-unting sumasagad ang kanilang takot.

Kinapa agad nila ang mga katawan. Meron na bang nagkikislutan? Tinubuan na ba sila ng umano’y sandaang halimaw?

Buong tapang na inililis ni Marko ang t-shirt. Ihinantad ang katawan.

Nakahinga nang maluwag sa nakita. “Wala akong mga halimaw sa katawan! Makinis pa rin ako tulad nang dati!”

Nagkalakas-loob na rin sina Brendo, Primo at Max. Sabay-sabay na siniyasat ang mga katawan. (Itutuloy)

AYAW

BRENDO

BUONG

EUGENIO

MARKO

MIGGY

NAGKATINGINAN

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with