^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (2)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

WALANG kamalay-malay si Shirya na kanina pa minamasdan ng apat na limang mangangaso ang kanyang kahubaran habang naliligo sa tagong batis.

Nakahanda na sina Marko, Primo, Max at Brendo na sapilitang kunin ang pagkababae ng dalagang lingid sa mga ito ay diwatang nagkatawang-tao.

Ang isa sa lima, ang mabait na si Miggy o Miguel ay walang planong sumama sa apat na hayok.

“Ayoko, masama ‘yang gagawin n’yo,” tutol ni Miggy.

Tinadyakan siya ni Max sa mukha. TAD.

May kasama pang mura. “ULUL!”

Dumugo ang nguso ni Miggy. Pero hindi siya napilit ng masasamang kasamahan. Nanatiling hindi natitinag.

Pakubli-kubling palapit na kay Shirya sina Primo, Brendo, Max at Marko. Susurpresahin nila ang napakagandang babaing naliligo nang hubad.

Samantala’y may lihim na hinihintay si Shirya. Ang tanging lalaking mortal na nagmamahal sa kanya. Ito lamang ang pinapayagan niya sa kanyang sangtuwaryo.

Tagadag-tagadag-tagadag. Mga yabag ito ng kabayo, nadinig agad ni Shirya. Na-excite ang dalagang hubad sa batis.

Kilala niya ang sakay ng kabayo. “Si Eugenio, narito na ang mahal ko!”

“SHIRYA!” sigaw ni Eugenio, kita sa mukha ang pananabik sa dalaga. Buong kisig itong tumalon mula sa kabayo, lumusong na sa batis matapos maghubad.

Ang apat na hayok sa laman ay napatigil sa paglapit. Ayaw nilang merong panggulo. Nais nilang umalis muna ang bagong dating.

Nangyaring naging saksi pa sila sa mainit na pagtatalik nina Shirya at Eugenio, sa ibabaw ng malapad na batuhan ng batis.

Nainip na ang apat na hayok, ayaw na nasasapawan ng bagong dating.

Dinaluhong agad ni Max si Eugenio, inupakan nang sunud-sunod na suntok. BAG-BAG-BAG-BUG.

Mas malupit sina Brendo, Primo at Marko. Pinagsasaksak sa dibdib si Eugenio. Kitang-kita ni Shirya ang malagim na kamatayan. (Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

AYOKO

BRENDO

BUONG

EUGENIO

MARKO

MIGGY

SHIRYA

SI EUGENIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with