^

Para Malibang

Hinahabol ng nakaraan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Iza, 20. Sa hangad ko po na kumita ng salapi, kumagat ako sa alok ng isang recruiter sa aming probinsiya. May 10 kaming kababaihang ni-recruit at hindi namin alam na gagawin kaming mga prostitute sa isang kasa. Anim na buwan akong naging sex slave hanggang isang araw, ni-raid ang kasa at nailigtas kaming mga kababaihan. Dito ko po nakilala si Lito, isa sa mga pulis na kasama sa raid. Niligawan niya ako. Noong una’y naghinala ako na gusto lang niya akong pagsamantalahan. Pero habang nagtatagal, nakita ko ang kanyang pagka-maginoo. Pinuntahan pa niya ako sa aming probinsiya sa Bicol. Doo’y niligawan niya ako at hiningi ang aking kamay sa aking mga magulang. Mahal ko rin siya pero hindi kaya siya isang mapagsamantala lang? Natatakot kasi ako dahil isa akong dating babaeng bayaran.

Dear Iza,

Kilala mo na bang mabuti si Lito? Unang dapat mong malaman ay kung wala pa siyang pananagutan. Dinalaw ka niya sa inyong tahanan sa Bicol, dapat naman siguro ay ipakilala ka rin niya sa kanyanbg mga magulang. Kung seryoso siya, pormal silang mamamanhikan sa inyo. At kung mapatunayan mong mabuti siyang tao na binata at walang asawa, huwag mong ipagkait sa sarili mo na lumigaya at iwaksi mo na ang iyong nakalipas. Bagamat na­ging prostitute ka, hindi mo ito ginusto.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

BAGAMAT

BICOL

DEAR IZA

DEAR VANEZZA

DINALAW

DITO

IZA

LITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with