^

Para Malibang

Patay na ako, mahal (44)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“AVERY,  napaano ka? Bakit ka parang ibinato mula sa loob ng OR?” takang-takang tanong ni Annie, ang mahalay na bakla.

“Hinigop ako ng puwersang kalaban ng Diyos, Annie!” luhaang sabi ni Avery. “Ayaw ng demonyo na paglapitin kami ni Russell!”

 “Pero ‘day, hindi papayag si God na dadaigin lang siya ng prince of darkness. Temporary setback lang ‘yan, promise!”

 “Hindi ko tuloy alam kung tuluy-tuloy nang mabubuhay si Russell. Masyado siyang nabigla sa nangyari sa akin,” sabi ni Avery, walang tigil ang luha. Nakikita siya ni Annie pero hindi ng ordinaryong mortal.

“Listen up, Avery, inuutusan na akong magtuloy  na ngayon sa Canada!”

“S-Sino’ng nag-uutos sa iyo, Annie?”

“Si prince of darkness, Avery! Sa dami ng mortal sins ko, under niya ako!” sigaw ng bakla habang mabilis nang lumilipad palabas ng ospital.

Naiwang nag-iisa sa pasilyo si Avery, litung-lito, ligalig na ligalig na naman.

Kahit anong pagtatangka niyang lumusot muli sa dingding ng OR ay nabigo. Nawala na ang kakayahan niya.

“Hu-hu-hu-huu”. Kaya lang niyang umiyak. Mahabag sa sarili.

Naalala niya ang kabayong si Horacio. Iniwan nga pala niya ito sa labas, sa tabi ng punong-kahoy doon.

Nagawa niyang makalabas ng ospital, hinanap agad ang kabayo.

Pero naunahan na pala siya ng may-ari. Natunton na nito ang kabayong pangarera, kasaluku-yang hawak na sa renda, kinakausap.

“Paano ka ba napunta rito, ha, Horacio? Sabi ng mga tao e wala namang nakasakay sa iyo”.

Naramdaman ng kabayo ang presencia ni Avery. Tinitigan nito ang dalagang horse whisperer. Nagpaalam, sa mensaheng sa isip lamang. “Paalam na po, madam. Kinukuha na po ako ng amo ko”.

Malungkot na nginitian ni Avery ang kabayo. Hindi makasanayan ng dalaga ang goodbye.

Kasunod ay naramdaman ni Avery na tinata-ngay siya ng malakas na hangin, palayo, paitaas.

Dadalhin pala siya sa pinagmulan. Sa mga libingan sa labas ng musoleyo.

Gabi na. Isang ulilang tanawin si Avery sa daigdig ng mga patay. (5 LABAS)

vuukle comment

AVERY

AYAW

BAKIT

DADALHIN

DIYOS

HINIGOP

HORACIO

HU

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with