Bedroom Color Feng Shui (2)
Malapit na ang Chinese New Year kaya pag-usapan natin ang paggamit ng Feng Shui colors sa ating sex life. Naniniwala ang mga Feng Shui practitioners na ang kulay ng iyong bedroom ay makakatulong sa iyong love life at maging sex life para magkaroon ng positive chi o energy sa pagitan mo at ng iyong partner.
Nauna na nating natalakay ang kulay pula at dilaw. Narito ang iba pang feng shui colors na maaari ninyong subukan.
Orange - Ang kulay orange ay magandang kombinasyon ng romantic red at enlivening yellow. Kinokonsidera itong pinakamagandang feng shui color para maging suwerte sa pag-ibig.
Magandang kulay ito para sa mga couple na polar opposites dahil ang kulay na ito ay may magandang energy na nag-uudyok ng understanding at willingness para mag-compromise.
Di gaya ng kulay pula, ang orange ay lumilikha ng excitement na hindi masyadong mainit o pagseselos.
Puti - Sa feng shui, ang puti ay iniuugnay sa sa metal element.
Ang kulay puti ay simbolo ng purity at inner strength.
Para sa mga taong naghahangad ng sizzling sex life, puti ang magandang option.
Ang puti ay may healing power.
Kung galling sa hiwalayan at nahihirapang maka-moveon, ipinapayong gumamit ng puting kulay sa inyong bedroom.
Ang puti ay nakakatulong para maging maaliwalas ang isip. Nakakatulong din ang puti para mabuhayan at magkaroon ng panibagong lakas. (ITUTULOY)
- Latest